44. Decision

215K 6.9K 1.5K
                                    

Chapter 44

"Welcome to the surfer's paradise!"

Sa gitna ng byahe namin ay napatingin kami kay Butler sa in-announce niya. Pauwi na kami nu'n sa Maynila pero mukhang may sidetrip pa kami. Tinignan ko isa-isa ang mga reaksyon nila. Sa aming lima, mukhang sina Sab at Eunice lang ang kinakitaan ng excitement. Nilingon ko sina Tyrone at Zion sa likurang bahagi ng van— since sila ang magkatabi –at ayun, nakapaskil ang isang malaking 'no comment' sa mukha nila.

"Butler, ano pong gagawin natin dito?" Ako na ang nagtanong. Tumingin ako sa bintana at nakita kong puro may mga surfing board ang mga tao sa paligid.

"Mag-susurf," sagot niya na para bang sinasabing 'obvious naman'. Ngumuso nalang ako. "Sulitin niyo na ang Baler. Sikat itong Sabang Beach sa mga surfers."

"Pero hindi naman kami surfers," natatawang sabi ni Sab.

"May magtuturo naman siguro dyan. Tara?" excited na yaya ni Eunice at saka binuksan na ang pinto ng van.

Walang imik na lumabas kami ng van. Dumiretso sina Sab at Eunice patungo du'n sa beach, samantalang ako ay pinapakiramdaman sina Zion at Tyrone. Since this morning, wala na sa mood si Tyrone. Marahil dahil sa biglaang pagluwas ni Reishel. Sinubukan na nga siyang kausapin ni Zion kanina e, pero mukhang wala namang nangyari dahil hindi pa rin nababago ang mood ni Tyrone. I wonder what Reishel and him talked about last night.

I was pulled from my own thoughts when someone bumped into my arm. "Bakit ang tahimik mo?" Si Zion pala.

Sumabay siya sa akin sa paglalakad papunta sa beach. Malayo ang tingin ko sa dagat. "Hmm, iniisip ko kasi si Reishel."

"She's fine now. Nakarating na raw siya sa bahay niya."

Tinignan ko siya. Nakatingin naman siya sa mga nagsusurf sa dagat kaya binalik ko ang tingin ko dun. "Curious ako. Ano kayang pinag-usapan nila ni Tyrone kagabi? Nag-away kaya sila?"

"Hindi ko alam. Ayaw magsalita ni Tyrone e."

Awtomatikong hinanap ng mga mata ko si Tyrone. Nasa dalampasigan siya habang nakatingin ng malayo. Parang ang lalim ng iniisip.

Naramdaman ko na naman yung pagbangga ni Zion sa siko ko. "Lapitan mo si Tyrone. Kausapin mo."

Lumabi ako sa kanya. "Bakit ako?"

"Alangan namang ako? Ako ba ang gusto niya?" sarkastikong sagot niya kaya agad ko siyang tinignan ng matalim. "Joke. Kailangan niya siguro ng makakausap kaya lapitan mo na."

Hindi ka ba magseselos? Gusto ko sana 'yong tanungin pero hindi naman ganun kakapal ang face ko para sabihin 'yun. Napangiti nalang ako sa sarili ko. Hindi naman pala ganun ka-seloso si Zion gaya ng iniisip ko.

Hahakbang na sana ako palapit kay Tyrone nang marinig ko na namang nagsalita si Zion.

"Comfort lang ah. 'Wag mong sagutin ng 'oo'. I-reserve mo sa akin 'yon," sabi niya sabay thumbs up at dumiretso na kina Sab at Eunice na namimili ng surfing board. I just rolled my eyes at him. Masyado talagang presko ang isang 'yon. As if namang nakareserve sa kanya ang 'oo' ko! Hmp!

Inayos ko muna ang buhok kong bahagyang ginugulo ng hanginmula sa dagat at dahan-dahang nilapitan si Tyrone.

He flinched when I stepped beside him. "Tyrone, ayos ka lang?"

He broke out a smile from his lips. Yung ngiting parang tinatamad lang. Wala nga siya sa mood. "Ayos naman ako."

Awkward silence. . .

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon