21. Bati Na Tayo

228K 9.6K 3.2K
                                    

21. Bati Na Tayo

Am I falling for him? Saglit. Bakit ba sumagi iyon sa isip ko bigla? Ano bang basehan para malaman na nahuhulog na sa isang tao? Hindi ko rin naman alam. Wala akong alam. I've never been in love before... not until now. Hindi ko alam. Nababaliw na ba ako kung iniisip kong na-fall na ako sa bading na yun? Nawiwirduhan na rin ako sa sarili ko e. Hindi ko siya matiis. Ayoko siyang nagagalit sa akin. Ayokong lumipas ang araw na ito na hindi kami magkakaayos.

Sabihin niyo nga... Love na ba talaga ito?

I shook my head as the thought came into my mind again. Nasa gitna ako ng klase pero kung ano-anong iniisip ko. Speaking of class, buti naman at um-attend na si Badaf ng second class namin kundi talagang maloloka na ako sa pag-aalala. Yun nga lang, hindi naman siya naupo sa tabi ko. Dun siya pumwesto sa first row, katapat mismo ng prof's desk. Hindi tuloy ako makabwelo sa kanya. Hindi ko siya makausap. How will I be able to do that if he doesn't give me even a single glance?

Kaya naman nung natapos na yung klase, nagmamadali akong tumayo para lumapit sa kanya. Naramdaman ko pa nga ang mga mapanuring tingin nina Sab at Eunice pero hindi ko na yun pinansin. Gusto ko lang talagang makipagbati kay Badaf.

"France!" tawag ko sa kanya pero umakto siyang walang narinig at naglakad na palabas ng classroom.

"Badaf, I'm sorry. Hindi pa rin ba naaalis yung galit mo?" Sinubukan kong humarang sa kanya habang naglalakad nang patalikod. Walang reaksyong nakapaskil sa mukha niya. He was acting as though I am not infront of him.

"Badaf... Bati na tayo, please? Parang yun lang e," nagtatampo kong sabi sa kanya. Huminto naman siya at tinignan ako ng seryoso na talagang nagpangiti sa loob-loob ko. Pinagkrus ko ang mga daliri ko sa likod ko at nag-chant sa isip ko ng; 'Please say 'okay' already!'.

Pero iba ang lumabas sa bibig niya...

"Lang? Nila-lang mo lang yun?"

Napalabi tuloy ako. Ganun na ba kalala yung tampo o galit niya sa akin para palipasan ang araw na hindi ako kinakausap? Nag-sorry naman ako.

"France, hindi ko naman kasi sinasadya----"

I trailed off when he turned his back on me. Hindi ko na inalintana yung mga pari't-paritong mga tao sa hallway. What's only in my mind is to make it up with him.

"Okay." OMG! Okay raw.

"Yehey, thank you!" Dadambahin ko na sana siya ng yakap nang umatras siya sabay harang ng palad niya sa akin.

Napatigil tuloy ako at tinignan siya ng nagtataka. "Okay, but we're still not okay. Mag-uusap tayo pagkatapos ng rehearsal namin. Hintayin mo ako. 4pm."

Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad palayo. Ang choosy naman niya. Si Badaf ba talaga yun o clone lang niya? Para kasing...

"Lalaking-lalaki?" nagtatakang bulong ko sa sarili. Wait. 4pm daw? Tinignan ko ang wrist watch ko at nabigla nang makitang ala-una pa lang. Last class ko na ito, so does it mean I have to wait for him until 4pm?

***

4PM. Wala akong ibang choice kundi ang hintayin na mag-4pm na. He said we'll talk at 4pm after his rehearsal so I decided to wait for him here outside the admin building and ate some snacks. 3pm pa lang kaya I still have an hour to wait for him.

Buti nalang dala ko yung powerbank ko kaya fully-charged na ang cellphone ko. Iwas-aberya lang kung saka-sakali. Ayoko nang mangyari yung nangyari kahapon.

I was reading on my notes when someone sat down next to me. Pagkatingin ko, si Tyrone pala.

"Anong ginagawa mo dito, Misty?"

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now