3. Party

294K 10.3K 1.6K
                                    

3. Party


I tried my best to approach her, kaso failed kasi lagi naman siyang may kasama. Actually, parang 'darling of the class' nga siya. Ang dami niyang friends, nakakainggit tuloy. Naaalala ko tuloy ang sarili ko sa kanya. She always loves to smile kaya siguro madaling maka-attract ng friends. Eh ako? Kahit anong ngiti ko, mukhang ayaw naman nila sa akin.

"Her name's Eunice," sabi sa akin ni Badaf isang araw nang tanungin ko siya kung anong pangalan ni girl na hinatid ni Mikorin one time sa room namin.

I knew about that already. Smart kid din kasi e. Lagi siyang tinatawag ng prof para mag-recite or the other way around. Ang hyper niya tuwing recitation.

"Ahh..." Tinignan ko yung notebook ko. Bumalik tuloy yung kaba sa dibdib ko. May quiz nga pala kami sa Math ngayon and I did not review. Anong irereview ko? Ni miski sarili kong notes, hindi ko ma-decipher.

"Badaf, paano icoconvert sa percent ang--"

"Lee, answer this."

Oh no! Wala akong alam. Naibagsak ko tuloy yung notebook ko. Pinulot naman yun ni Badaf saka niya ako sinenyasan na pumunta na sa board. So, pumunta naman ako at kinuha yung marker na inaabot sa akin ni Sir.

In the end, hindi ko rin nasagutan kaya nag-give up ako. Isang malakas na 'tsk tsk tsk' ang natanggap ko mula kay Sir.

"Chararat, madali lang naman i-convert ang percent to fraction." Pinakita niya sa akin yung notebook niya at saka siya nagsulat ng numbers. Automatikong nagswirl tuloy ang paningin ko. How I hate numbers! "I-divide mo 'to sa 100. Kapag hindi whole number ang lumabas--"

"Enough. Ayoko na. Tumitibok ang utak ko."

Binatukan niya tuloy ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Chararat ka na nga, wala pang laman 'yang utakers mo. Kawawa naman magiging dyowabels mo. Pa'no ka matututo niyan? Tinuturuan na nga kita."

"Class dismiss," anunsyo ni Sir.

Padabog kong inayos ang mga gamit ko. Ayoko na talaga! Gusto kong magpakalayo-layo to the place where Math doesn't exist! Pagkalabas ni Prof, nagsitayuan na ang mga kaklase namin pero pinigilan sila ni Eunice.

"Saglit lang po, blockmates!" She said aloud but still turned out to sound so sweet. Naupo ulit tuloy kami. "Hi, ako si Eunice. Blockmate niyo. Ako ang napiling first year representative ng block natin."

Walang nag-react. I bet, gutom na ang lahat. Eh ako? Upset pa rin sa Math.

"We'll be having an acquaintance party tomo-"

"Woo!!"

"Yes!!"

"YEHEY!"

Okaaaay. Kanya-kanya silang cheer. Nakarinig lang ng party, akala mo naging zoo na ang room namin. Napangiti tuloy ako. Ang cute nila e.

"Okay, settle down na po!" sabi ni Eunice na nakangiti pa rin and all of them went silent. "So, ayun nga. We'll be having an acquaintance party tomorrow at 7pm. For more deets, just check out the announcement on the bulletin board. Thank you!"

Nagsitayuan ulit ang mga kaklase namin pero ewan ko ba sa badaf na ito kung ba't niya pinigilan ang lahat. "Excuse me! Ako rin, may announcement!" Tumakbo siya sa harapan na pakendeng-kendeng pa kaya lahat ng mata ay nasa kanya. "May party din po sa bahay tonight. I'd be glad if everyone will come." And then, he took a marker and wrote something on the whiteboard. Yung address pala niya. "So, here's my address. Welcome ang lahat. I, thank you! You're welcome in advance!"

Nagsilabasan na ang lahat at kami nalang ang naiwan ni Badaf. He seems so happy. Ang sarap tuloy asarin, pero 'wag nalang. Upset nga pala ako sa Math.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now