25. Charot

226K 8.8K 3.6K
                                    

25. Charot

May continuation diumano ang kaabnormalan ko nang bigla nalang sumulpot si Badaf kinabukasan ng umaga sa harap ng bahay namin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang nakatupi ang mga braso ko sa dibdib ko. Syempre taray effect lang para hindi mahalatang nagwagwapuhan ako sa kanya ngayong umaga. Shucks! Ang gwapo naman kasi talaga niya sa uniform niya at lalo na sa buhok niyang coolly fixed. Pak na pak!

"Sinusundo ka," sagot niya at automatikong nagtaas ako ng kilay. Misty, you heard him, right? Sinusundo ka niya! "Oh, tinataas-taasan mo ako ng kilay dyan? Akala mo naman gusto kong sunduin ka. Hey, hey, Chararat! Para sabihin sayo, witsikels kong makita yang mukha mo shalala in the morning."

Napasimangot tuloy ako sa litanya niya. Badtrip! Lakas talaga mangpikon nitong baklang bading na 'to. Kinikilig na ako e. Yun na yun e.

"O, edi umalis ka na. Paharang-harang 'yang service mo sa driveway. Aalis na rin ako."

Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako sa braso. Sheez, may sparks! And the fireworks started to daze off the air. Joke lang. As if. "Saglit lang," sabi niya. Hinarap ko naman siya nang nakasimangot. "Hindi ka naman nasanay sa akin. Sabay ka na sa akin."

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Pinapasundo ka kasi sa akin ni Mama. Remember? Nililigawan DAW kita! Osya, taralets na," mabilis na sagot niya at nagmamadaling sumakay na sa backseat ng service car niya.

Napairap nalang tuloy ako sa kawalan. "Hindi man lang ako pagbuksan ng pinto. Kaloka 'to," bulong ko at napailing nalang ng ulo. Hindi pa rin pala sumusuko ang Mom niya sa panliligaw ni Badaf kuno sa akin. Akala ko pa naman nagkusa siya. Hindi naman pala. Hmp!

Wala na akong choice kundi ang sumakay nalang sa backseat ng kotse. Dun sa opposite side ni Badaf, to be exact. Buti nalang na-timing na nakaayos na ako't ready to go to school na nang dumating siya. Kunsabagay, 20 minutes nalang before our Computer lecture class. 10-12 minutes ang travel time at 10 minutes ang papunta sa classroom namin. Oo, for sure malelate na kami nito.

Medyo tahimik nun dahil walang nagsasalita kaya na-bore ako't napahikab sa katahimikan.

"Puyat ka ba? Kinomfort mo siya, ano?"

Nabigla tuloy ako nang biglang nagsalita si Badaf out of the blue. What's with the question? "Hindi ako puyat, 'no. Medyo maaga lang ako nagising." Which is true dahil ginawa ko pa yung assignment ko sa computer na nakalimutan kong gawin nung mga nakaraang araw.

"Sus, kinomfort mo si Tyrone e. Shoulder to cry on ang peg mo last night, ano?" Sinamahan niya pa ng mapang-asar na ngiti kaya pinagkunutan ko siya ng noo.

"Baliw. Natulog na ako after nating mag-usap kagabi."

"Umamin ka na kasi~"

Sa asar ko ay hinampas ko siya sa braso kaya napa-'ouchiekels' siya. "E ano naman?!"

Naaasar na talaga ako kaya iyon nalang ang isinagot ko. Bakit niya ba ako pinipiga para paaminin kung kinomfort ko ba si Tyrone? O, edi natahimik siya ngayon dyan. Tumingin nalang sa bintana e, pero binalingan din ulit ako seconds after.

"Hoy, Chararat. Aral muna bago chorva. Hayaan mo na sila sa problema nila. Baka madamay ka pa."

Sinamaan ko lang siya ng tingin nun. Alam ko namang may point siya pero hello, hindi naman ako chumuchorva. "Studies first talaga muna. Kaya ikaw---" sabay sundot sa braso niya "--- tigilan mo na ang panliligaw kuno sa akin. Studies first muna ang peg ko. Basted ka na sa akin," biro ko at hindi ko yun feel na feel ah. Alam ko namang pretend lang 'to. At... hindi ako defensive.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now