38. Dad's Permission

229K 8.1K 2.4K
                                    

Chapter 38

Friday na. That only means clearance day na. So, after the three days break ko from college- dahil hindi na ako pumunta sa E.H.U since the E.H.U night kahit na University Week pa rin -ay bumalik na ako sa wakas sa University para magpapirma ng clearance form. Kasama ko sina Eunice at Sab and thankfully, wala namang nangungulit ngayong araw sa akin. Nitong mga nakaraang araw ay sa text lang naman nangungulit sina Zion at Tyrone. Buti nga at hindi nila naisipan na pumunta sa bahay dahil nagkataon na hindi rin umaalis lately si Dad for work.

"Sa wakas, tapos na tayo magpa-clearance," sabi ni Eunice pagkaupo namin sa seats sa tapat ng office. Naipasa na namin ang clearance at ngayon ay naghihintay nalang kaming maibigay sa amin ang final grades namin for this sem. Pwede namang sa website nalang i-check pero dahil nandito na rin naman kami nina Sab at Eunice ay might as well kunin na rin namin.

Bumuntong-hininga ako kaya napatingin sa akin ang dalawang babae sa tabi ko. "Ang deep naman ng sigh mo, Misty." Puna ni Sab.

"Kinakabahan kasi ako sa grades ko."

At ayun, sabay din sila napabuntong-hininga. Natuon yung atensyon namin sa office sa harapan namin. Abala ang lahat dahil marami-rami rin ang estudyante ngayon na nagpapaclearance. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. May ibang subjects pa naman na mula prelims hanggang finals ay hindi ibinibigay ang resulta ng exams namin. Wala tuloy akong ideya kung safe ba ako o hindi sa subjects na iyon.

"Hindi yan. Keri natin yan," Sab told us positively. "Kaya ngiti na, girls. Papasa tayo!"

Naghintay pa kami ng ilang saglit sa labas ng office habang nagkukwentuhan hanggang sa napunta ang usapan sa nangyari nung E.H.U night. Wala tuloy akong takas sa pang-aalaska nila sa akin. Nakakaloka. Akala ko pa naman ay naka-get over na sila.

"Yieee, ang haba ng hair!" Ginalaw pa ni Eunice ang nakalugay kong buhok. "Biruin mo, in just one night ay may dalawang lalaking nangharana sayo?"

Hindi ako sumagot dahil wala naman akong isasagot. Kahit kasi ako ay nawindang din nung gabing iyon. "Sabi ni Zion, hindi raw talaga siya kasali sa acts nung E.H.U night. Feeling daw niya ay mauungusan siya ni Tyrone kaya on the spot ang peg niya."

Nagulat ako nang hampasin ako ni Eunice sa sobra. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang tao dahil sa ingay namin. "Pero in fairness, Misty, nakakakilig yung ginawa ni Tyrone nung gabing 'yon."

"Mas nakakakilig yung ginawa ni Zion! My gosh. Full package! Kumanta, sumayaw at nag-speech pa. Saan ka pa!?" sabi ni Sab at saglit na tumigil. "Kay Zion ka na!" sabay na sabi nilang dalawa at saka naghagikhikan.

Napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko dahil hiyang-hiya ako tuwing naalala ko yung gabing iyon. Hindi naman sa nakakahiya yung nangyari, it's just that. . . nakakailang. Ang daming taong nakasaksi. Two different guys serenading the same girl. Phew!

Pero kung tutuusin, kung ako ang tatanungin kung kanino ako mas kinilig nung E.H.U Night, ang isasagot ko ay si Zion. Wala lang. Mas kinilig kasi ako nang isayaw niya ako sa auditorium. I felt like I was floating while we were dancing. Eeehh! Tuwing naaalala ko 'yon ay napapangiti nalang ako.

Snap! Napakurap ako ng mga mata nang pumalatak ng kanyang kamay si Eunice sa harap ng mukha ko. "Natulala ka na d'yan? Siguro inaalala mo na naman yung moment niyo, 'no? Sabihin mo nga sa amin, sinong mas bet nu'n?"

Umiwas ako ng tingin at naiilang na natawa lang. "U...uy, grabe. Sa akin nalang yun."

"Secretive si Misty. Atin-atin lang naman!" Si Sab.

Tumayo ako at saka ko inayos ang suot kong backpack. Alam kong biased sila kay Zion kaya ayokong sabihing mas kinilig ako kay Zion nung gabing iyon. Baka malaman-laman ko nalang na umabot pa kay Zion 'yon, tiyak na lalaki ang ulo nun.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now