30.3 Outbound Tour

199K 7.5K 1.7K
                                    

Chapter 30.3

Nakatulala lang tuloy ako sa bintana ng bus the entire trip. Mas pinili kong manahimik nalang habang may nakapasak na earpods sa tenga ko. Bukod kasi sa nabobother na ako kay Badaf ay nagugutom na rin ako. Ayoko namang kumain ng snacks dahil mas prefer kong mag-rice sa lunch.

"Misty, nandito na tayo." Narinig kong sabi sa akin ni Tyrone. Sa pagtanggal ko ng earpods sa tenga ko, napansin ko na nagsisitayuan na ang iba. Dala-dala na rin nila ang mga backpacks nila. I saw Badaf getting off the bus without turning back at me. So, ganyan pala? Gusto niya akong lumayo sa kanya? Edi fine. Tch.

Tyrone insisted na siya nalang yung magdadala ng backpack ko pero hindi ako pumayag. Kaya ko naman kasi iyon at isa pa, mas mukhang mabigat yung bag niya kaysa sa dala ko. We got off the bus silently. As usual, pinapila na naman kami ng tour guide. Hiwalay ang boys sa girls pero ganun pa man katapat ko pa rin si Tyrone sa tabi ko.

"Sasakay ulit tayo sa rented jeep papunta sa Yambo lake. So, I'm allowing you guys to ride in the jeep kahit na hindi kayo magkakasama as a class. Basta make sure na kasama niyo pa rin ang buddy niyo. Now, move! Marami pang bakante seats sa ibang jeep."

Pasimple kong tinignan si Badaf sa bandang gilid ko. Napapansin ko na kasa-kasama niya palagi sina Sab at Eunice. Sa totoo lang, frustrated na talaga ako sa kanya. Pinapalayo niya ako sa kanya pero hindi niya naman sinasabi ang kanyang dahilan. Napakalabo niyang nilalang!

Nabalik ako sa sarili ko nang hawakan ni Tyrone ang braso ko. "Misty, hanap na tayo ng bakanteng jeep?"

"Okay."

Maraming rented jeeps ang nakapila sa trail, pero karamihan ay puno na. Yung iba ay nauna nang umalis. Yung iba naman ay nagpapasakay na sa bubong nito. That looks fun though. Ma-try kaya namin?

"Tyrone, sa bubong nalang kaya tayo?" suggest ko sa kanya.

Sinundan niya naman ang tinitignan ko at nakita kong ngumuso siya. I was waiting for his reply but I heard a very familiar voice butted in the scene.

"Sumakay na kayo sa loob, Sab, Eunice! Dito nalang ako," sigaw ni Badaf habang umaakyat papunta sa bubong ng jeep. May mangilan-ngilang tao na rin ang nandun. Mukhang masaya pero. . .

Umismid nalang tuloy ako. "Ayoko na pala sa bubong, Tyrone." Sumakay nalang ako sa loob ng jeep. Si Tyrone naman ay pinaubaya muna sa akin ang mga dala niyang gamit. Gusto niya raw masubukan sa itaas kaya dun nalang daw siya. I shrugged and let him. Gusto ko rin naman e, kaso nandun si Badaf. Remember, lumayo raw ako sa kanya. Hmp!

"Misty, dito ka sa tabi ko o." Dun ko lang napansin si Sab. Katabi niya sa may bandang likuran ng driver si Eunice. Ngiting-ngiti sila sa akin na tipong may kung anong tumatakbo sa isip nila. I bet they knew something already.

Padagdag ng padagdag ang sumasakay sa jeep nang magsalita si Eunice. "Kamusta katabi si Tyrone, Misty?"

Ngumiwi ako. "Ayos lang. Eh kamusta katabi ang prof?"

She rolled up her eyes. "Naku, Misty. Daig ko pa yata ang nakaplaster ang bibig. Ang tahimik ni Ma'am kaya tahimik din ako. Boring!"

Nagsimula nang umandar ang jeep. Yung iba sa mga kasama namin sa jeep ay classmates namin at yung iba naman ay iba ang course. Naghalo-halo na talaga. "Tanungin naman natin si Sab kung kamusta katabi si Zion."

I shifted my eyes to Sab who was silently listening to us. Ngumiti siya ng alanganin sa amin bago ngumuso. "Ano pa ba? Syempre masaya. May katabi akong gwapo e."

Kumunot ang noo ko. Alam ko naman kasing crush nitong dalawa si Badaf pero bakit ganun? Bakit nainis nalang ako bigla kay Sab sa sinagot niya?

"Uy, ano ka ba, Sab. Watch your words. Hmm," nginuso ako ni Eunice. "Si Misty o." Alam naman kasi nilang in love na ako kay Badaf tapos pagseselosin pa ako. Wait, nagseselos ako? Really? Pagselosan daw ba ang kaibigan?!

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα