29. May Gusto Ka Ba?

237K 7.9K 1.8K
                                    

29. May Gusto Ka Ba?

September 30.

Bukas na ang outbound tour namin sa Laguna para sa subject naming NSTP pero ni katiting na excitement ay hindi ako nakakaramdam. Siguro kasi, hindi mawala sa isip ko yung sinabi ng Mama ni Badaf kahit pa na mahigit isang linggo na ang nakalipas simula nung birthday nito. Haaayyy!

"What he did is his own intention, not mine."

Ginulo ko ang buhok ko sa pagka-frustrate. AAAAAHH! Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong paniwalaan. A part of me is happy knowing that it was France's intention and not his mother's pero may parte rin sa akin na baka naman pati ako ay sine-set up lang din ng Mama niya gaya g ginagawa niya sa anak niya. After all, she likes me for her son naman diba?

"Argh, sana kasi hindi nalang sinabi ni Tita 'yon sa akin! Nakakainis naman," inis na bulong ko sa sarili habang nakasandal sa headboard ng kama ko.

Thursday ngayon, at bukas na ang outbound tour namin pero ni hindi pa rin ako nakakapaghanda ng dadalhin para bukas. Ewan ko ba kung ba't ako nagkakaganito! Most of my classmates ay excited na para bukas dahil bukambibig na nila ito simula pa kanina sa klase. Kahit nga sina Sab at Eunice ay niyayaya pa ako na sumabay na sa kanila ng pamimili ng babaunin pero tumanggi ako. Kasi naman e! One week na akong spaced-out. One week na rin akong tahimik. Nagtataka na nga rin sila lalo na si Badaf kung ba't ako nagkakaganito e.

As much as I wanted to tell him that there's a big question that has been running in my mind these past few days, I just can't tell that easily. Maraming 'what ifs' na gumugulo sa isip ko. What if jinojoke time lang ako ni Tita o what if totoo ngang intention iyon ni Badaf? Ano nang gagawin ko?

"Eeeeehh!!" naibato ko sa sahig yung paborito kong unan. See? That's how frustrated I am right now. More than a week akong hindi pinapatahimik ng sinabi ni Tita. Huhu! Ayoko na. Mahirap pala talaga kapag maraming nalalaman. Nakakabaliw na.

Hindi ako mapakali lalo na kung wala akong ginagawa kaya naisipan kong mag-online nalang sa Facebook. Mabuti na rin ito para madistract ang isip ko from thinking about irrelevant things. Get over it, Misty. Tita must've been joking that time. Don't take it by heart. Jusko.

Anyway, nag-scroll nalang ako sa newsfeed ko at nagbasa-basa ng mga status updates. More likely, tungkol sa outbound tour namin bukas ang nakikita kong status updates. May mga nagpopost ng baon nila for tomorrow, meron din namang nag-eexpress ng excitement nila. Haayyy buhay. Dapat ganyan din yung feels ko ngayon e. Kaso. . . puro Badaf, Badaf, Badaf at Badaf ang nasa isip ko ngayon. Was it really his intention?

Ting!

May nag-pop na chatbox sa screen ng laptop ko. My brows furrowed when I found out it's Tyrone. Hindi ko pa man ito nabubuksan pero tatlong magkasunod na messages na ang nasesend niya. Speaking of, I heard he's busy with his plates and his band. Nahihiya na tuloy akong mag-set ng tutoring session sa kanya nung mga nakaraang araw.

Tyrone: Hi, Misty

Tyrone: Musta?

Tyrone: :)

Napangiti nalang tuloy ako. Dumapa muna ako sa harap ng laptop ko bago ako nag-type ng reply.

Misty: I'm ok. Ikaw?

I am not really okay. Pero ganun naman talaga diba? Kapag may nangamusta sa 'tin, sasabihin nalang nating okay lang tayo para hindi na sila magtanong at mag-usisa pa.

Tyrone: Ayos lang din. Matanong lang kita, aong paborito mong pagkain?

I jerked my head to the left, wondering what's with the random question? Teka, ano nga ba ang favorite food ko? I shrugged my shoulders. Hindi naman ako mapili.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin