27. Change

209K 8.6K 1.7K
                                    

27. Change

"Misty, tapos na sila! Ba't pa tayo uuwi? Hintayin nalang natin sila! OMG! Pababa na sila ng stage oh---MISTY!"

Hindi ko na pinansin ang malakas ng boses ni Eunice. Basta ang gusto ko right at this moment ay ang makaalis na sa lugar na iyon! Gusto kong makalayo. Gusto kong magwala. Hustisya! Bakit may naganap na kiss sa sayaw na 'yon? Ano 'yon, telenovela? Kalokohan!

Binilisan ko ang paglalakad ko. Halos lakad-takbo na nga ang ginawa ko makalayo lang dun. Habol-habol ko ang hininga ko hindi dahil sa mabilis kong paglalakad kundi dahil. . . ang sikip-sikip ng dibdib ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko. Yung effort naming gumawa ng banner, yung malakas na pag-cheer ko with feelings, yung pagiging proud ko na si Badaf KO yun. . . bigla nalang naglaho sa isip ko. Napalitan ng selos. Oo, nagseselos ako. Gosh! First time ba 'to? Hindi e. Selosa talaga ako pagdating sa mga kaibigan ko pero bakit ganito? Bakit parang mas masakit sa dibdib yung nakita ko kumpara sa mga petty jealousy na naramdaman ko dati sa mga friends ko noon sa high school?

Aahh. Shunga ka, Misty! You're in love with him nga diba?

"Misty! Uy!"

Nilingon ko sila Eunice at Sab. Hinahabol pala nila ako. Mas lalo ko tuloy binilisan ang pagtakbo ko, at ganun din sila sa paghabol sa akin. Hindi ko alam kung paano nangyari pero naramdaman ko nalang na naabutan ako ni Sab. "Misty, saglit nga!" sigaw niya sabay hablot sa kamay ko. I've been caught. Umarte ka, Misty. 'Wag mong ipahalata yung nasa loob mo.

"Hoo! Ang bilis mong tumakbo," hinihingal na sabi ni Eunice habang nakapatong ang dalawang kamay sa tuhod niya. "Napaano ka? Tapos na sumayaw sila Zion o."

"Oo nga, Misty. How about our plan?" dagdag naman ni Sab.

Napatingin tuloy ako sa hawak kong oslo paper. Medyo lukot na siguro kasi napahigpit ang kapit ko. Nakakainis naman kasi si Badaf e, binigla ako sa. . . sa. . . kiss na 'yon! Ugh, I can't believe he did that!

Binitawan ako ni Sab at saka siya nagpameywang. Nasa gitna kami ng open field nun. Dun ko lang na-realize na medyo malayo-layo nga ang tinakbo ko. Ang dami pa namang tao sa paligid. Nakakahilo.

"Misty, ayos ka lang ba?" tanong ni Sab nung hindi ako sumagot.

"A-ayos lang ako. Naalala ko lang na may gagawin pala ako kaya kailangan ko nang umuwi. Sige na! Una na ako."

Ilalapat niya sana yung palad niya sa noo ko nang umiwas ako't tatalikuran na sana sila para tumakbo palayo nang bumangga ako sa matigas na bagay. . . bagay nga ba? May bagay bang kayang sumalo sa tao unintentionally? Sinalo ba naman ako sa braso e! As in, nakasabit ang dalawang braso ko sa matitigas na something na yun. Wait, ano nga ba yun?

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para makita kung ano yun o sino yun, rather. Naalarma ako nang marealize kong tao pala yun!

"AAH!" mabilis akong tumayo at nag-ayos ng sarili. Lilingunin ko sana siya ulit nang magsalita siya.

"Misty? Anong ginagawa mo dito?"

Yung boses na yun! I know that voice! Niligon ko siya at nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla nang makita si. . . "Kuya Wayne!" I gave him a quick hug and eventually, my worries faded off quickly. Remember, Badaf's big brother? Siya yun! "Anong ginagawa mo dito, kuya?" binalik ko yung tanong sa kanya.

Ngumiti lang siya tapos pinakita niya sa akin yung DSLR niyang nakasabit sa leeg niya. Oohh. "Syempre, sinuportahan ko ang kapatid ko sa pagiging lalaki niya for the first time on stage," sabi niya. Nagets ko naman agad yung point niya dahil first time lang talagang sumayaw ni Badaf na astang lalaki. Nung high school kami, puro. . . err, never mind.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now