7. Friend Requests

269K 9.1K 4.5K
                                    

7. Friend Requests


"Cancel request!!"


Oo na. Obvious naman diba? Hindi in-accept ni Mikorin este ni Tyrone ang friend requests namin ni Badaf. It's been five days already pero hanggang ngayon pending pa rin. Ay, ayoko na nga! Kinancel ko na. Kainis eh!

"Pa-peymus pala si Mikorin," nakangusong sambit sa akin ni Badaf.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon. Of course, para kumain. As usual, kaming dalawa na naman ang magkaramay ni Badaf. Araw-araw naman e. Oh well, I'm getting used to it naman na.

"Nakakaasar. Simpleng click lang naman sa confirm, pero ba't 'di niya magawa?" Pagdadrama ko habang kumakain ng fries. Favorite ko kasi 'to e. Cheesy fries.

Nagpangalumbaba na rin si Badaf nun habang sumisipsip sa straw ng sotdrinks niya. From that very second, naging parang manly yung look niya sa paningin ko not until, nagpout siya. Err.

"True! Gravacious yung shotokobells na 'yon."

Wait. Hindi ko nagets yung last word niya. "Shotokobells?"

"It means, guy. Lalaki! Duh?" Sabay irap sa akin. Pasalamat siya nanlulumo ako ngayon kundi nabatukan ko na siya. "Pero seriously, wit siguro siya nag-aadd o nag-aaccept sa facebook nang hindi niya kilala," paliwanag niya.

Napatulala nalang tuloy ako sa fries ko. Siguro nga, tama siya. Kaya nga siguro naka-private yung account niya. Ayaw niya ng outsiders sa life niya.

Nasa gitna ako ng pagkatulala nang may pamilyar na boses ang nagsalita sa gilid namin.

"Hi, pwedeng makiupo?"

Napa-blink nalang ako ng mga mata nang makita si Eunice, all smiles pa while holding a tray of food. Okaaaay, siya lang talaga ang may lakas ng loob na kausapin kami and I'm glad about that.

"Sureness!" Si Badaf na yung sumagot. Umusog ako ng kaunti sa left side ko para sana bigyan siya ng space sa upuan kaso dun siya naupo sa tabi ni Badaf. Natawa tuloy ako sa reaksyon ni Badaf at parang napasong lumayo ng bahagya. Enebeyen.

"Pasensya na ha? Wala kasi akong maupuan," sabi niya sabay ngiti. "Sige, don't mind me. Usap lang kayo dyan."

Nagkatinginan lang kami ni Badaf nang mag-start na siyang kumain. She seems nice but I find her actions so strange. Pero mas strange yung move ni Badaf nang lumipat siya sa tabi ko. Napatingin tuloy sa kanya si Eunice.

"Ay, ba't ka lumipat?"

Ngumiti naman si Badaf pero alam kong plastic smile lang 'yon. Knowing him? Uh... "Jutay kasi yung upuan."

"Jutay?" Eunice looked to me pointedly, at mukhang na-confuse nga. Parang sinasabi niya sa akin na 'what's jutay?'.

Nagkibit-balikat nalang ako kaya si Badaf na ang sumagot. "Waley. Sabi ko, maliit yung upuan. Hehe."

"Ahh... Akala ko kung ano na!"

Sa totoo lang, bigla nalang ako naging uncomfortable kay Eunice nun. Si Badaf kasi e, nakakahawa. Panay ang hila sa blaser ko, parang nagyayaya nang umalis. Naglalabanan tuloy kami sa tingin. Ang rude naman kung iiwanan namin siya 'no?

"Did I disturb you?"

Napabaling kami kay Eunice sa tanong niya. Kaya ako na yung sumagot. "Hindi 'no."

"Para kasing na-interrupt ko yung usapan niyo nung dumating ako. Okay lang ba talaga ako sa table niyo? Maghahanap nalang siguro ako ng table," sabi niya at akmang tatayo na nang pigilan ko siya.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now