35. Straight

235K 8.7K 3.6K
                                    

Chapter 35

Hindi ako nakatulog ng magdamag. Hindi kasi maalis sa isip ko yung nangyari kahapon. Nawiwindang ako, sheesh! Masyadong maraming nangyari. Pakiramdam ko nga ay parang hindi lahat ay totoo. Baka nga ay naghahallucinate ako or something. Baka sobra lang akong stress dahil hell week ngayon.

Pero hindi. Hindi ko pwedeng i-deny ang nangyari kahapon. Sa katunayan ay nararamdaman ko pa rin yung feeling ng pagdikit ng mga labi namin ni Zion. Ipinilig ko ang ulo ko para tanggalin sa isip ko ang nangyari. Kaso sa tuwing ipipikit at ipipilig ko ang ulo ko ay mas lalo ko lang naaalala ang pagmumukha ng bakla este lalaking 'yon. AAAAAAHH! Nababaliw na yata ako! Kasalanan ng walang hiyang 'yon!

"Misty, parang wala ka sa sarili d'yan," puna sa akin ni Daddy. Bumalik tuloy ako sa wisyo ko. Oo nga pala, sabay kaming magbreakfast ngayon ni Daddy. See? Wala ako sa sarili.

Parang slow mo akong kumain. Para ngang pinaglalaruan ko lang ang pagkain sa plato ko. Wala akong ganang kumain simula pa kagabi. Huhu.

"What's wrong, Misty? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo," seryosong sabi ni Daddy.

Ngumuso ako. Bagsak ang balikat kong hinarap ang Daddy ko. "Uh. . . daddy?"

"Hmm?"

Pinagmasdan ko siya habang nakafocus siya sa pagkain niya. Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyari pero nag-aalinlangan ako. Dapat ko ba 'yong sabihin? Baka kasi pagalitan niya ako, pero hindi ko naman 'yon sinasadya. As if naman ako ang nanghalik. E siya naman! Naku, naiinis talaga ako sa tuwing naaalala ko iyon.

Kumagat ako sa ibabang labi ko saka ako huminga ng malalim. Bahala na. Sa kanilang dalawa ni Mommy ay kay Daddy naman ako close. He would surely understand what happened.

"Dad," huminga ako ng malalim. Kalma, Misty. Hindi ka buntis, first kiss lang yan. Sabihin mo na!

"Oh?"

Hinga ulit ng malalim. "Dad, hinalikan po ako ni Zion," sabay pikit. Cross fingers! Yung puso ko. . . sheesh! Nagwawala sa kaba!

Wala akong ibang narinig kundi ang nakakabinging katahimikan. Pagmulat ko, nakatulala lang sa akin si Dad na gulat na gulat. Para bang na-pause siya at ako lang ang kumikilos. "Dad?"

And there, dun lang siya nabalik sa earth. "Acck! Acck!" Nabilaukan pa siya kaya natataranta ko siyang inabutan ng tubig na mabilis niyang inubos. "T-talaga?"

"Opo," ngumuso ako.

Dahan-dahan siyang tumango tapos pinilig niya ang ulo niya. "Okay, so what are you trying to say?"

Napaawang ang bibig ko sa reaksyon niya. Yun lang yun? Hindi ba siya magagalit kasi nakuha na ang first kiss ko? Na kumikirengkeng na ako?

"Dad, lalaki na po siya."

Muli, nabilaukan ulit siya pero this time, hindi naman severe. Natawa kasi siya. "Misty, hinalikan ka lang niya, lalaki na agad siya?" Humalakhak siya kaya sumimangot ako. "Tell me, saan ka niya hinalikan? Sa pisngi, noo, kamay, o baka naman flying kiss?"

Sumayad na sa sahig ang nguso ko dahil sa sarkastikong tanong ni Daddy. Si Daddy talaga, bakit ba parang hindi siya makapaniwala?

"None of the above, Dad."

Natahimik siya. Kumunot ang noo niya at saka tumikhim. "Kung ganun, saan?"

Hindi ako nagsalita. Sapat na sigurong itinuro ko yung lips kong naka-pout pa.

"ANO?!" he exclaimed. Nagtaka ako nang natataranta niyang kinuha ang phone niya. "Dapat sabihin ko ito kay Sandra," sabi niya. Sasabihin niya sa Mama ni Badaf? Oh no!

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now