46. Urgent

198K 6.4K 1.1K
                                    

Yhel's note: On the photo are Misty (Park Chorong), Eunice (Eunji) and Sab (Bomi). Lahat sila ay from Apink. :)


Chapter 46

"Ang tagal..." Kanina pa akong nagngitngit sa inis dito sa kinauupuan ko. Kasalukuyan akong nasa isang cafe na located sa labas ng mall. Sinuggest ko kasi kay Zion na 'wag na akong sunduin sa bahay at dito nalang magkita para maiba lang. Lagi niya lang kasi akong sinusundo. At least kapag dito na kami magkita sa mall ay diretso na kami sa kung anong dapat puntahan namin.

Today is Saturday. November 2. Sa makalawa na ang first day ng second semester kaya naman ay nilulubos ko na ang nalalabing araw ng sembreak. Kahapon, kami ang lumabas ni Dad. We went to visit my grandfather's tomb since undas naman. Pagkatapos nun ay saglit kaming namasyal ni Dad at kumain sa labas. Masaya naman pero pakiramdam ko ay may kulang pa rin.

'Nuff said. . . Ngayong araw na ang date namin ni Zion pero heto ako ngayon at halos magdadalawang oras na siyang hinihintay. Inuunti-unti ko nga lang yung pagsimsim ko sa milktea ko na halos walang lasa dahil kanina pa ito natutunaw. Ugh.

"Saan na ba yung lalaking 'yon?" inis kong sambit sa sarili at kung pwede nga lang matunaw sa tingin ang phone ko ay baka naglaho na ito.

Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Okay, I'll wait for him for another 15 minutes. Baka na-traffic lang o baka naman may pakulong hinahanda. Stay optimistic, Misty girl. Hindi ka iindianin ng lalaking 'yon. No, never. Not ever.

Ngunit kalahating oras na ang nakalipas at kahit ni anino niya ay wala akong nakita. "Ugh!" Nilukot ko ang tissue na nakalagay sa ibabaw ng mesa at du'n nilabas ang inis ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero. . . ugh, wala pa ring akong nakikitang lalaking nagngangalang France Zion Madrigal.

Halos mapaigtad ako sa pagkabigla nang biglang tumunog ang phone ko. Hoping that it was Zion, I quickly took a hold of it and checked on the message. It was really him but my hopes failed when I read what's written on it.

From: Zion

Sorry, can't make it today. I'll make it up to you next time. Urgent lang. :(

Okay, Misty. Kalma. . . Urgent daw. Be considerate. Urgent daw e. Malamang importante yung gagawin niya dahilan para ipagpalit niya ang date ninyo sa kung anumang 'yon. Just smile and leave. Ganyan nga, kalma lang.

Pero. . . Hindi ko kaya. "Ugh, paasa!" bulalas ko. Pinagtinginan tuloy ako ng ilang customers dahil medyo napalakas ang sabi ko nu'n. I just hastily grabbed my body bag and left the cafe. Walang direksyon, basta naglakad lang ako palayo sa lugar na iyon.

Two hours akong pinaghintay tapos hindi naman pala dadating. Sa susunod nga, dapat siya na ang mauna sa location! Nakakainis e. Maaga pa naman akong umalis sa bahay. Nagbihis pa naman ako ng maganda ngayon tapos. . . tapos...

"ARGH!" Nagpapadyak ako sa gitna ng daan. Hina-highblood ako kay Zion. Ano ba kasi yung 'urgent' thing na gagawin niya para indianin lang ako?

Magrereply sana ako sa kanya pero naisip ko na huwag nalang. Para saan pa? Wala na. He ditched me. He ruined my mood. Excited pa naman ako sa magiging date namin— ugh, don't get me wrong. Kung nag-enjoy ako sa date namin ni Tyrone nung nakaraan, for sure maeenjoy ko ring kasama si Zion. Ngayon ko lang naranasan na makipag-date. Sinira niya pa!

Hayyy. I took a deep breath and closed my eyes in the middle of the path walk. So, what if he ditched me? Hindi naman kawalan yun sa akin. Aba, blame himself for taking me for granted today. Tama... Smile, Misty. There are lots of ways to enjoy this day without him. Nagmulat ako ng mga mata at nagpatuloy na sa paglalakad. Naupo ako sa una kong nakitang outdoor lounge.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now