32. Badtrip

218K 7.7K 3.4K
                                    


Chapter 32

"Tama! Mukhang klaro na sa'yo itong lesson," ani Tyrone.

Monday na, at ngayon ang unang araw ng final exam ngayong semester. Pumasok ako ng 9:30am dahil iyon ang napag-usapan namin ni Tyrone. Mahigit dalawang oras na rin kaming nagrereview dito sa picnic section at masasabi kong confident na ako para mamaya sa exam sa Math.

"Kinakabahan pa rin ako, Tyrone." Ngumuso ako habang pinapanuod siyang mag-check ng sinagutan kong equation. Kunot niya akong tinignan at pagkatapos ay isinarado ang note ko.

"Bakit naman? Kuhang-kuha mo na nga ang steps o. Meron pa bang problem na naguguluhan ka?"

Umiling ako nang nakangiti. Nakakatuwa si Tyrone kasi sobrang patient siya sa pagtuturo sa akin. Kung iba siguro ang natapat na Math tutor ko ay baka nilayasan na ako. Sa slow ko sa Math na 'to? Siya lang siguro ang magtitiyaga.

"Wala na. Kaso alam mo na, si Sir kasi, kapag nagpaexam ay parang nagma-magic. Hindi lumalabas sa exam niya ang mga diniscuss niya."

Tumawa lang siya at pagkatapos ay tinitigan ako sa mga mata. Napalunok tuloy ako ng bongga dahil para niya akong hinihigop palapit sa kanya. "Alam mo, Misty, kadalasan yan talaga ang sinasabi nating mga estudyante. Yung tipong hindi lumalabas sa exam ang itinuturo ng professor?" Isinandal niya ang kanyang dalawang braso sa mesa at saka niya pinatong ang kanyang mukha doon. "Common misconception lang yan. Ang totoo nyan, sinusubukan lang tayo ng mga professor kung talaga bang naintindihan natin lahat ng itinuturo nila. Na kapag kahit bali-baligtarin nila ang tanong ay hindi ka maguguluhan. Analyzation lang 'yan," sabay turo niya sa kanyang sentido.

Napangiti nalang ako sa sagot niya. Words coming from him are really motivational. Parang sa bawat payo niya ay dapat kong sundin. Nakakabilib talaga ang lalaking ito. "Salamat sa motivation, Tyrone. Tanong ko lang, may balak ka bang maging professor? Bagay sayo e."

Natawa lang siya habang kumukuha ng chips na nakahain sa lamesa. "Wala. Iisa lang naman ang tingin kong bagay sa akin e."

"Ano?" pagtataka ko.

Umiling lang siya at pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko. "Ano? Hindi ah. Baka 'sino?'."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Simula pa nung outbound tour ay ito ang napapansin ko sa kanya. Nagpapalipad hangin ba siya sa akin? Iniisip ko pa lang iyon ay nag-iinit na ang buong mukha ko. Stop assuming, Misty. It won't help.

I heard his soft chuckle before he cleaned up the food we ate over the table. "Ihahatid na nga kita sa room niyo. Baka kung ano pang masabi ko sa'yo."

Sheez! Anong sasabihin niya sa akin? Teka. Bakit ba ganito ang mga tao sa paligid ko lately? Magpaparamdam pero hindi pinaninindigan? Naalala ko tuloy yung nabasa kong post kagabi sa E.H.U Confession. Kung 'di sana ako tinag duon ni Sab ay hindi ako mabobother ng ganito. Si France ba talaga ang nagpapost no'n?

"Hmm, dito ba kayo?"

Hindi ko na namalayan na nasa third floor na pala kami ng college building namin. Napansin kong mali iyong hinintuan ni Tyrone na room kaya umiling ako't dumiretso sa sumunod na roon. Sumilip ako sa glass windows. May mangilan-ngilan na kaming classmates ang nandun pero wala pa si Prof.

Bumaling ako kay Tyrone nang may ngiti sa labi. Just for a week, Misty, final exams muna ang dapat na nasa utak mo at wala nang iba. Period.

"Dito na ako, Tyrone. Salamat sa pagtuturo at. . . err, paghatid." Natawa nalang ako kasi medyo naging awkward yung feeling na nararamdaman ko.

"Wala 'yon. Uh, Misty."

"Hmm?"

Ngumiti siya at saka niya ipinatong ang kanyang palad sa ulo ko. Nagtataka man pero napakagat nalang ako sa labi ko. Pinagtitinginan kasi kami ng iba kong classmates na pumapasok at lumalabas sa room. "God bless. Kaya mo 'yan," sabay tap niya sa ulo ko.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now