41. 1-1

227K 8.1K 2.6K
                                    

Yhel's note: Hindi lahat nasa side ni Zion. Mayroon din nasa side ni Tyrone. So, please do respect Tyrone's character. If it weren't for him, hindi magiging ganun ka-interesting ang kwentong ito. Don't tell me to remove Tyrone's character or lessen his exposure here dahil in the first place, isa siya sa main characters nito. At isa pa, ayoko nang dinidiktahan ako sa dapat na gawin ko sa book na 'to. Don't tell me to update dahil iuupdate ko ito dahil ako ang author. No need to remind me, people. Leave it all to me. Just enjoy reading and wait patiently. That's all I am asking. Yun lang, salamat. :) 


Anyway, happy 1M reads W:BMF! :D Salamat sa mga nagtitiyagang mag-abang ng updates. #WarningBawalMafall or #WBMF on twitter.


Chapter 41

"Nasaan si Reishel?"

Napatingin ako kay Eunice nang tinanong niya yun habang nag-aayos ako ng tutulugan namin. Walang kama, just a mattress na halos sakop ang buong kwarto. Maliit lang naman kasi ang kwarto, parang ginawa lang na tulugan. May bintana sa kaliwa ko at may ceiling fan sa itaas namin.

Si Sab na ang sumagot sa tanong ni Eunice. "Wala. Nasa labas yata, kasama ni Zion."

Pinigilan ko ang sarili na hindi mapaismid. Mabuti na rin yung sinasamahan ni Zion si Reishel kasi nafifeel na niyang hindi siya welcome sa trip na ito. Na-realize kong masyado pala akong naging mean sa kanya.

Pinalo ako ng mahina ni Eunice sa braso gamit ang unan na hawak niya. "Hindi ka ba nagseselos kay Reishel? Panay lang sila ang magkasama ni Zion."

Tumango naman si Sab. "Oo nga, Misty. Lagi nalang silang magkasama. Kanina nga, silang dalawa pa ang naghugas ng pinagkainan natin."

Tinuon ko nalang yung attention ko sa pag-aayos ng cover sa mattress namin. "Hindi, 'no. Ba't naman ako magseselos? Siguro inis pwede pa pero selos? Hindi."

Eunice let out an exasperated sigh kaya tinignan ko siya. Nakasandal na siya sa dingding habang pumipindot sa phone niya. "Ako rin, naiinis sa kanya. Tapos na siya kay Tyrone pati dun sa VP ng SC. Don't tell me ang isusunod niya ay si Zion?"

Suminghap ako habang nakatingin kay Eunice. She doesn't know anything. Hindi pwedeng magkagusto siya kay Zion dahil base palang sa sinabi niya sa akin kanina ay gusto niyang mapalapit ulit kay Tyrone. That only means one thing. . . Reishel is still into Tyrone.

"Hindi naman siguro," depensa ko at sumandal na rin sa dingding. Nakatuon sa akin ang atensyon nilang dalawa. "Close lang talaga silang dalawa ni Zion dahil sa dance troupe."

"Hindi naman siguro imposible yung sinasabi ni Eunice, Misty." Inilingan ko lang ng ulo ang sinabi ni Sab.

"Sa tingin ko, hindi pa tapos si Reishel kay Tyrone." Bumaling ako sa kanilang dalawa na mangyari namang nakatingin din sa akin. Hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sa kanila ang sinabi sa akin ni Reishel kanina, 'di ba?

"Paano mo naman nasabi yan?" pagtataka ni Eunice.

I beamed a little. "Sinabi sa akin ni Reishel na gusto niyang mapalapit ulit kay Tyrone."

Sabay silang suminghap ni Sab. Natawa tuloy ako. Nakakabigla ba yung sinabi ko?

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ni Eunice. Her brows creased in annoyance. "Eh shunga pala siya e'! Ba't niya hiniwalayan si Tyrone kung may gusto pa rin pala siya dun?"

Mabilis akong kumilos para takpan ang bibig niya. "'Wag ka ngang maingay. Baka marinig ka n'ya e! Secret lang natin 'to," bulong ko sabay alis ng palad ko sa bibig niya. Masyado kasing napalakas yung sinabi niya.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now