43. Wide Awake

212K 7.2K 2K
                                    

Chapter 43

Nakatulala kaming apat nina Sab, Eunice at Reishel sa kisame. Wait. Wala nga palang kisame itong bahay na tinutuluyan namin dahil gawa ito sa pawid. So much for that... Hindi pa kasi kami inaantok pero pinapasok na agad kami ni Butler sa kanya-kanya naming kwarto to think na 10pm palang naman at ito na yung last night namin dito sa Baler. Why can't we just make the most out of our last night here?

"Ang daya. Bakasyon naman na ah. Masyado pang maaga para matulog." Malungkot ang boses ni Eunice.

Bumuga naman sa hangin si Sab na katabi ni Eunice. "Kaya nga. Dapat nga ay magsaya tayo habang sembreak pa. Grabe kaya yung stress na na-experience natin nitong sem. It's time to refresh."

Hindi ko sila masisisi sa reklamo nila. Kahit ako ay nadismaya rin sa pagpapapasok sa amin ni Butler sa kanya-kanya naming kwarto. Yes, we're still minors pero hindi naman na kami ganun ka-bata para sa ganitong treatment lalo na't we're on a vacation. Si Butler talaga. . . hayyy.

Naramdaman ko yung pagbaling sa akin ni Reishel. "Ganyan ba ka-strict ang parents mo sayo?" tanong niya.

"Medyo. . ." Kunsabagay, pinapatulog na ako ni Dad ng around 10pm. But still, iba naman 'yon dahil may pasok no'n at sembreak naman namin ngayon.

"Kung ganu'n, bawal ka pa magboyfriend?"

This time, bumaling na ako sa kanya. Hindi lang ako kundi pati sina Sab at Eunice. Ngumuso si Reishel at tinapunan ako ng knowing look.

"Kasi diba, sabi mo, strict ang parents mo. So, siguro hindi nila alam na nagpapaligaw ka kina Zion at Tyrone?"

Bahagyang tumaas ang isang kilay ko na hindi rin naman niya halata dahil dim na ang ilaw.

Ibubuka ko sana ang bibig ko para sumagot nang magsalita si Eunice. "No, Reishel. Legal na nanliligaw si Tyrone at Zion kay Misty. Saksi pa kami ni Sab nang magpaalam silang dalawa sa Dad ni Misty."

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pasimpleng pag-irap ni Eunice na hindi naman nakita ni Reishel dahil bumalik ang focus niya sa itaas. Ba't naman niya kasi in-open ang tungkol du'n?

"Ah, gano'n ba?"

"Oo," proud na sagot ni Eunice. May halo nang sarcasm ang tono niya kaya I shot her the 'calm down' look pero hindi niya ako pinansin. "Mabait kasi si Misty. Hindi siya naglilihim sa parents niya."

Nakita kong napapakagat sa labi si Sab na para bang gusto niyang pigilan si Eunice. I don't want this conversation to lead into something. Alam kong, nararamdaman na rin iyon ni Sab.

Reishel just laughed wickedly on what Eunice has said. "Para mo namang sinabing masama ako for not letting my parents know about my relationships."

"Ay, sorry. Wala naman akong pinapatamaan," hirit ni Eunice.

"Hindi ako natatamaan."

"Eh ba't ka defensive?" natatawang tanong ni Eunice sa sarcastic na sagot ni Reishel.

Tumikhim na ako para maagaw ang atensyon nila. "Guys, matulog nalang tayo," I tried to sound normal. Bumibigat na ang atmosphere sa pagitan namin. Kung palaban si Eunice, palaban din pala itong si Reishel.

"Mabuti pa nga! Goodnight, guys." Sab greeted energetically and an ear-splitting silence followed after.

Nakatalikod na ako sa direksyon nila at pinilit na ipikit ang mga mata ko para tuluyan nang makatulog. . . pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi ako makatulog. Mayamaya lang ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa gilid ko kaya nagtaklob ako ng kumot at sa ilalim nito ako nag-check ng phone ko.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now