15. Warning

245K 9.5K 7.2K
                                    

15. Warning


"Hindi ako pwedeng magkamali, Badaf!! Si Mikorin yun!!"

"Ouchie ha. Ang sakit sa tenga."

Nag-uusap kami ni Badaf sa Facetime ngayon. Kakatapos ko lang kasing gumawa ng assignment, at matutulog na sana kaso hindi ko ma-contain ang nararamdaman ko. Sasabog yata ako kapag hindi ko ito shinare sa iba. Kaya ayun, tinext ko si Badaf para sabihing mag-Facetime kami. Buti nalang ay pumayag siya kahit alam kong pagod siya sa rehearsal nila.

Nakahiga na ako sa kama at ganun din siya base sa nakikita ko sa screen. "I just can't believe na siya ang magiging Math tutor ko!" Naeexcite tuloy ako ng sobra para bukas. Sabi niya kasi, itetext niya sa akin kung anong oras siya free bukas para makapagkita. Nakadagdag pa tuloy sa thrill yung hindi pagbanggit ng name niya sa akin kanina. Yay!

Umismid siya. "May matututunan ka kaya sa kanya?"

"Oo kaya! Meron!" Dinuro ko ang front cam na parang tinuturo ko siya. "Hindi ka rin maniniwala sa akin sa ikukuwento ko sana sa'yo kaya hindi ko nalang sasabihin."

"Fine. Spill."

I grinned widely. "You sure? Baka hindi ka maniwala e. Sayang lang ang daldal ko."

"Gagabels. Kanina ka pa nga nagdadaldal dyan at puro siya nalang ang bukambungangers mo. Ituloy mo na, Chararat."

Natawa tuloy ako. Kinikilig kasi ako tuwing naaalala ko yung nangyari kanina. "Kanina kasi, nag-iisa ako sa cafeteria. Loner na naman ako. Wala ka kasi." Pout.

He chuckled. "And then?"

"I decided na sagutan muna yung assignment ko sa Computer. Yung binary chuchu. Basta may Math yun diba?"

"Oh."

"Ayun, nagulat ako nang bigla siyang sumulpot, then he volunteered na tuturuan niya ako kasi madali lang naman yun. Super galing niya. Promise! Pak na pak!"

Humalakhak siya sa screen kaya natigilan ako. Sarcastic pa nga e. Kumunot tuloy ang noo ko. "Shunga, ang dali lang naman kasi nun. Kung kasama mo ako kanina, ako nalang sana ang nagturo sayo nun e. Ewan ko ba kung ba't ka najijirapan dun. Hanga ka na agad sa kanya nun?"

"Of course. Knight in shining armor ko kaya siya." Sinimangutan ko siya. Masyado niyang ina-underestimate si Mikorin ko.

"I doubt if you'll learn something from him once he became your tutor," he said with a smug.

Napanguso tuloy ako. "Meron. Duh? Sa paraan pa lang ng pag-eexplain niya sa akin kanina, halata nang matalino siya."

Tumawa siya. "I mean, oo, may maituturo siya. Pero! Baka naman ngumanga ka lang sa kanya at mag-drool kapag siya ang naging tutor mo. Wala ka rin matututunan. Out of focus e. Nagfa-fly away ang utakers."

"Uy, hindi ah! Baka nga ma-motivate pa ako. Nega mo talaga."

Nabigla ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Madilim na ang kwarto ko dahil naka-off na ang lights pero kita ko pa rin sa shadows kung sino iyon.

"Misty." Si Dad.

"Yes, dad?"

He switched on the lights and looked at me pointedly. "Sleep already. Alas-dose na pero rinig ko pa rin hanggang sa kabilang kwarto ang boses mo."

Narinig kong tumawa si Badaf sa Facetime kaya pinandilatan ko siya ng mga mata saglit tapos bumaling ulit ako kay Dad. "Yes, Dad. Sorry po. Kausap ko lang si Ba-- France."

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Där berättelser lever. Upptäck nu