5. Red and Blonde

275K 9.5K 1.4K
                                    

5. Red and Blonde


"But you said it, Dad! Wala nang bawian. Three wishes ha?"

Kanina ko pa kinukulit si Dad over breakfast. Mukhang nakalimutan niya yung sinabi niyang deal sa akin kagabi kaya I had to make kulit para maalala niya. Buti nalang, may recorded voice kami kagabi. Nakatulong din yun para maniwala si Dad.

"Diba pwedeng dalawa nalang, baby?"

I giggled like a little girl as I clung to his arm. Napahinto tuloy siya sa pagsubo ng pagkain. "Dad, three po yun! Basta pag nagawa ko, tutuparin mo yung hiling ko ha?"

"Baka naman kung anong hilingin mo." Inalis niya yung kamay ko sa braso niya kaya mabilis ko naman binalik.

"Hindi naman po imposible. Like a car, condo--"

I was stopped on my words when he choked out. Kaya ayun, natataranta ko siyang inabutan ng juice. "Dad naman, slow down kasi sa food. Ang takaw-takaw mo. Magka-highblood ka nyan, sige ka."

He placed his spoon and fork on the plate before he looked to me. Kaya ayun, nagpa-cute ako by smiling and batting my lids. "Misty, hindi kaya mamulubi tayo sa wish mo?" Uminom ulit siya. "Okay, three wishes. Two minor and one major wish."

No way! Mahirap kayang gawing straight si Badaf! So, I protested. "But-"

"No buts," he said firmly. Okay, shuttap na pretty Misty. Seryoso na si Daddy dear. "Okay na yun. Sumasakit na ang ulo ng parents ni France sa kanya. They would be glad if you'll help them."

I pouted my lips as I thought of ways how to tame the bading. Paano nga ba? Mag-research kaya ako?

"Misty...?"

I exhaled heavily before I gave him a nod. "I will, Dad."


On my way to E.H.U, naisipan kong mag-browse sa internet. Random things lang. De joke, syempre I'm doing some research about how gays can turn into straight guys or is that even possible?

Napasimangot naman ako nang wala naman akong makitang ganung article sa internet. Well, merong isa kaso disagree siya. Sabi ba naman n'ya, "Only you can know about your own identity." So, ibig sabihin, walang say ang ibang tao.

"Ugh. Ang hirap pala!"

"Misty, ayos ka lang ba dyan?"

Napa-pout ako kay Butler Homer. Nagda-drive siya pero sumusulyap sulyap pa rin sa akin. "Wala po, Butler. Nababaliw lang po ako dito."

At nafufrustrate. Bumalik ulit ako sa pagbabrowse hanggang sa makarating na ako sa E.H.U. I came in 30 minutes before the class kaya dun muna ako tumambay sa hallway. Kaso nakakainis, wala pa rin talaga akong makita!

"Chararat, aga mo ah!" Nagulat ako sa boses na narinig ko sa harapan ko. Oh my gee, si Badaf pala. Ang weird ko lang kasi itinago ko kaagad ang phone ko sa bulsa ko. "Anong ginagawa mo?"

"W-wala!" Tumayo ako at kinuha na ang bag ko. Nakataas lang ang kilay niya sa akin. "What's with the look, Badaf?"

"Witchikels," sabay iling niya with matching galaw pa ng kamay niya. Okay, ako na po ang magtatranslate ha? That only meant 'wala'. Sorry po, alien siya e.

Tinignan ko lang siya nun habang nakahawak ako sa magkabilang strap ng backpack ko. Napatingin ako sa buhok niya for some reason at ewan ko ba pero may naisip ang wise kong utak.

"Badaf."

Let me test him. May nabasa kasi ako kanina. Wala man akong nakitang article kung paano iko-convert ang gay into a straight guy pero may nabasa akong signs na may posibilidad bang maging straight ang isang bading.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now