30.2 Outbound Tour

205K 8.2K 3K
                                    

Chapter 30.2

Unang itinerary pa lang namin pero hindi na maganda ang nangyayari. Although, ayos naman yung lugar. Sa katunayan, maganda nga ang view mula sa kung saan kami ngayon. Bawat batch ay nakapila kami paakyat sa bundok. Hindi naman ganun kahirap ang pag-trekking dito sa Tayak Hill dahil may cemented stairs na dito. Buti nalang at hindi na hassle.

Going back to what I was saying earlier. Yes, hindi na maganda ang nangyayari. Napapansin ko kasi yung matalas na tingin sa akin ni Badaf kahit na nangunguna sila sa trail. He would turn back and check on me from time to time. Nung una, akala ko ibang tao yung tinitignan niya e, pero hindi. Ako talaga yun. Malalaman mo naman kung ikaw yung tinitignan diba? As in, tagus-tagusan yung tingin niya.

Katulad nalang ngayon, lumilingon na naman siya. Ako naman, sasalubungin ang tingin niya. Parang shunga nga siya e, titingin tapos iiwas din naman.

"Misty, mukhang hindi kayo okay ni France ah. Dahil ba sa akin?" tanong ni Tyrone sa tabi ko. Medyo mabagal ang paglalakad namin kasi nakakahingal.

"Naku, 'wag mo nang intindihin yun. Bad mood lang yung baklitang yun." Huminto ako saglit. Habol-habol ko na kasi ang hininga ko. Ang tarik naman kasi nitong stairs na 'to. "Wait lang, Tyrone. Pahinga muna tayo."

Humawak ako sa magkabilang tuhod ko at huminga ng malalim. Ito ang mahirap sa bihira lang mag-exercise e, madaling hingalin. Hindi naman ako mataba. Haayy.

"Tubig?"

Inabutan ako ni Tyrone ng tumbler niya. Actually, kanina pa ako nauuhaw. Nakalimutan ko lang talaga magdala ng tubig. Nakakahiya namang makiinom. "Naku, thanks nalang. Baka maubos ko pa."

"Ayos lang. Mukhang mataas-taas pa yung aakyatin natin e. Dali na," sabi niya at kinuha ang kamay ko para ipahawak sa akin. Binuksan ko yung mouth ng tumbler at dun sana iinom nang bigla ko nalang naramdaman na may umagaw sa akin nito.

"May tubig pa?" sabi ni. . . Badaf. Napanganga tuloy ako sa bigla niyang pagsulpot. Ang alam ko, malayo-layo na yung narating niya. Paano siya nakarating dito ng ganun kabilis?

Tumingin sa akin si Tyrone na para bang nabigla rin sa pagsulpot ni Badaf. "France, iinom daw si Mis---"

"Akin nalang ah," sabi niya habang inaalog yung tumbler. Binuksan niya iyon. Naningkit nalang ang mga mata ko dahil sa pag-aakala kong iinuman niya iyon pero hindi dahil ipinanghilamos niya lang yung tubig sa mukha niya.

Hinampas ko nga siya sa braso. "BADAF!!" Sinapo ko ang noo ko. Sure akong pinag-iinitan niya ngayon si Tyrone. Knowing those kind of acts, ganyan siya mambully ng tao. Ganyan na ganyan siya sa akin noon. "Ba't mo naman pinanghilamos? Inumin ni Tyrone n'yan."

Narinig kong tumawa ng mahina si Tyrone sa tabi ko. "De, ayos lang, Misty. Mainit naman kasi talaga."

Tinalasan ko ang tingin kay Badaf na painosente kung makatingin. "Iinuman ko yun e!"

"Ay, sorry naman. Iinom ka ba?" tanong niya at may inilabas na maliit na tumbler mula sa loob ng maliit niyang body bag. "O eto o. Inuman mo. Bilisan niyo at naiiwan na tayo," sabi niya bago tumakbo papanhik sa trail.

Tyrone and I were left staring at the tumbler I'm holding. May tubig naman pala siyang sarili pero bakit. . .

Tyrone's soft chuckle distracted me from my own thoughts. "Sigurado ka bang bakla 'yung bestfriend mo?"

"Ha?"

Umiling siya bago ginulo ang sarili niyang buhok na para bang habit niya na iyon. "Wala. Tara na nga," he smiled like an idiot as we started ascended to the stairs.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon