42. Oo

245K 7.4K 2.7K
                                    

Chapter 42

'You're beautiful. I really like you a lot.'

Sa sobrang kahiligan ko sa panunuod ng anime ay naintindihan ko yung Japanese words na isinulat ni Tyrone along with his sketch. Oo na, parang hinaplos ang puso ko sa binigay niya sa akin. First time ko kasing makatanggap ng anime sketch lalo na't sarili ko pa ang ginuhit niya. For an otaku like me, I really appreciate this kind of gift.

I took few deep breaths to fix my composure bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nabungaran ko kaagad sina Tyrone na tinutulungan nina Sab at Eunice sa pag-aayos ng pinamili namin. Napansin ko na tahimik ang buong bahay. Wala pa yata sina Butler, Zion at Reishel.

"Wala pa rin sila?" Pumwesto ako sa tabi ni Sab. Nakita kong sumulyap sa akin si Tyrone pero agad ding nagbawi ng tingin. Aww, ang cute niya tuloy. Parang nahiya yata siya pagkatapos niyang ibigay sa akin yung sketch along with the letter.

"Wala pa. Ang tagal nga e. May pasalubong kang nabili?" tanong ni Eunice.

Inabot ko kaagad sa kanya yung plastic ng mga pinamili kong souvenirs at ilan pang delicacies na nabili ko sa town.

"Wow, yema cake!" ani Sab nang makita yung maliit na box.

"Paborito ko 'to," komento naman ni Eunice. "Thanks!"

Ngumiti lang ako at bumaling ulit kay Tyrone. Nakita ko siyang dumiretso sa fridge kaya sinundan ko siya du'n. Tinabihan ko siya at naramdaman kong nabato siya nang mapansin ang presence ko. His eyes lingered mine and so I smiled sweetly at him.

"Arigatou gozaimasu. Nagustuhan ko. Ang ganda," pabulong na sabi ko. Nakita kong bahagyang pumula ang pisngi niya. Napangiti tuloy ako lalo.

"Anata no Egao ga suki."

My lips parted. Una dahil ang cute ng pagkakasambit niya ng Japanese at pangalawa, hindi ko na magets yung sinabi niya. "Ano 'yon? Basic lang ang alam ko," tapos awkward na tumawa ako.

"Sabi ko, I like your smile." Napa-'oh' ako. Yun pala yung ibig sabihin nu'n. I feel so flattered tuloy. He bit his lower lip to supress his smile. "Gusto ko yung ngiti mo lalo na't ako yung dahilan," dagdag niya pa.

Sheez. Wala akong masabi. Nakaka-speechless. Nakaka-mindblown. Nakaka...AAAAAAH! Okay. Hinga, Misty.

Naputol ang nakakabinging katahimikan nang marinig kong tumikhim sina Sab at Eunice. Sabay tuloy kaming napatingin ni Tyrone sa kanila. May nakaukit na makahulugang ngiti sa labi nila habang tumitikhim.

"Ehem!. . . Gutom na— ehem! kami." Si Eunice.

"Ehem! Magwalis ka nga, Eunice. Nakakalat ang langgam sa paligid," hirit naman ni Sab.

This time, nagkatingin naman kaming dalawa ni Tyrone nang may ngiti sa labi. Tinuro ko ang kalan sabay sabing, "Magluto na tayo?"

He grimaced like a kid. "Sige."

DALAWANG oras na ang nakalipas nang makarating kami galing sa market pero hindi pa rin bumabalik ang team plantation. I mean, sina Butler, Zion at Reishel. Now, I'm starting to get worried about them. Ba't 'di pa sila nakakabalik hanggang ngayon?

"Kumain na kaya tayo?" suggest ni Tyrone. Bumaling kaming lahat sa kanya. Actually, kanina pa kami natatakam sa nakahaing chicken adobo na niluto niya. Hindi palang kami makakain kasi hinihintay namin sina Zion. "Mukha kasing gutom na kayo," dagdag niya.

"Oo nga, Misty. Kanina pa ako nagugutom. 'Wag na natin silang hintayin."

Sinunod namin yung sinabi ni Tyrone. Masarap yung Adobo kaso ewan ko ba pero wala akong gana. Inaalala ko kasi sina Zion. Ano na kayang nangyari sa kanila? Kanina pa sila nakaalis ah. May apat na oras na rin ang nakalipas. Gaano ba kalayo yun at natagalan nalang sila du'n?

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now