Special Chapter

360K 10K 2.9K
                                    

Special Chapter

"Hi, I'm France Zion Madrigal, but you can call me Paris. The city where Eiffel tower lies, the city of Fashion. Basta bonggang city just like the beautiful lady standing infront of you."

I was once a gay and now, I'm straight.

Ang gulo ng identity ko, ano? Kasing gulo lang din ng utak ko. Bayaan niyo na ako. Ganun talaga. Hindi ko naman ginusto 'to e, pero dahil sa kakaudyok niya sa akin, tumagilid ang dati kong tuwid na landas.

From Paris to Zion...

Siya ang naging dahilan kung bakit ako nagkaganito. Sa kakaasar niya sa akin na bakla ako ay para bang may umihip na masamang hangin sa sistema ko kaya naman ay naging 'ganun' ako. Nung una, masaya si Daddy. Paano nga naman daw, sa wakas ay nagkaroon na siya ng anak na babae. At eto naman ako, gustong mapalapit ang loob sa kanya kaya naman ay sumabay nalang ako sa agos.

Napalapit ako sa mga batang tagilid din ang kasarian. Ang aga kong nagkaroon ng identity crisis, mga 7 years old palang. Oo, inaamin ko, malambot akong magsalita't kumilos pero isa lang ang maisisigurado ko. Mula pa nung tuwid ako hanggang sa naging tagilid ay nasa kanya lang ang atensyon ko.

Nursery, elementary, high school... Lagi nalang kaming magkaklase. Bonus pa nga 'yong lagi kaming magkasunod sa class record dahil sa surname kong 'Madrigal' at sa kanya nama'y 'Lee'. Dahil dun, lagi kaming magkatabi lalo na't alphabetical ang seating arrangement. Nakakatawa mang sabihin pero 13 years siyang pikon sa akin. Kapag pikon pa naman siya, nanapak siya sa mukha. Pero ayos lang, yun nga ang nagustuhan ko sa kanya e. I know it's weird but that's the way I've liked her.

Aaminin ko, ang gusto ko talagang course sa college ay BS in Psychology, pero nang malaman kong BA in Management ang kukunin niya ay hindi na ako nag-atubiling yun nalang ang kunin ko sa college. At that point in my life, I felt like I was homesick. Hindi niyo ako masisisi. For the past 13 years ay siya ang kasama ko. Nasanay na ako sa presensya niya. Hindi man kami magkaibigan pero masasabi kong hindi kumpleto ang araw ko nang hindi ko siya nakikita. Iniisip ko palang na sa apat na taon ko sa college ay wala siya sa loob ng classroom na papasukan ko ay nalulungkot na ako. I felt so empty, idagdag pa ang nangyari sa pamilya ko. My Dad married another woman.

I took up the same course as hers. Naalala ko pa ang reaksyon niya nang makita ako. Nakakatuwa... Natutuwa talaga ako kapag naaasar siya. Dun niya lang kasi ako napapansin. Mang-aasar ako, mapipikon naman siya. Kahit paulit-ulit lang ay wala akong pakielam. Malungkot ako sa bahay pero kapag nasa campus naman ako ay napapasaya niya ako.

Nung mga panahon na yun, lagi na akong sinesermonan ni Mama. Na kesyo bakit ba ako naging bakla. Na bakit ako naging ganito ang kasarian ko. I wanted to stay that way. Akala ko kasi, dito ako magiging kumportable at masaya. Naguguluhan ako. Hindi pa ako sigurado sa buhay ko.

Dumating pa nga sa punto na parang ayaw ko nang umuwi sa bahay. Sa kakasermon kasi sa akin ni Mama ay mas lalo lang akong naguguluhan. I also didn't expect that college life would be this tough. Mahirap makipagkaibigan lalo na't takot pa yata sila sa amin. Kasalanan 'to nung prof e. Never mess with us daw dahil may mga kuya kaming siga. Hindi naman kami katulad nila e. Siguro siya, pwede pa... pero ako? Malabo.

Hanggang isang araw, nakita ko siyang nag-iisa sa canteen. Walang kasama sa table. I swear I swallowed a few times before I went to her. Naglakas-loob na akong kausapin siya.

"Oy, chararat."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at pustahan tayo, sasamaan ako ng tingin nyan. "Diba sabi ko strangers tayo? Ba't nakikiupo ka dyan?" Nagbibiro lang naman ako nung sabihin ko yun sa kanya nung unang araw ng klase. Pwede ba namang maging stranger siya sa akin? We've been together for almost half of our lives. Hindi pa nga kami. Magmula pa nung naka-diapers pa kami ay magkakilala na kami.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now