1. Anime

581K 13.4K 4K
                                    

1. Anime


Kaso mukhang ayaw namang makipagkaibigan sa akin ang iba kong kaklase. Hindi ko sure pero 'yon ang feeling ko. Kagaya nalang nung nagpunta ako sa cafeteria. Walang ibang bakanteng table kaya naghanap ako ng familiar faces. May nakita akong dalawang girls na nandun sa kabilang table at sure akong classmates ko sila. Nakapwesto kasi sila sa likod ko nung NSTP namin kanina.

So, lumapit ako with a big smile pasted on my face sabay sabing... "Hello, pwedeng maki-share ng table?"

Nagkatinginan silang dalawa tapos sabay akong tinignan at saka tumayo na. "Sige, dito ka nalang, Misty. Paalis na rin kami."

Nagtaka ako nang iniwan nila ako dun. Ayun, loner tuloy ulit ako. They didn't need to leave naman e. Hindi pa nga sila tapos kumain. Wala tuloy akong kasama habang kumakain dun. Alam niyo yung feeling na puro groupie ang nasa paligid niyo tapos nandun ka at nag-iisa lang? Masakit sa feelings. As in, ouch.

"Oy, chararat."

Bago pa ako nag-angat nun ng tingin ay may naupo nang badaf sa harapan ko. Sinamaan ko nga ng tingin. "Diba sabi ko strangers tayo? Ba't nakikiupo ka dyan?"

"Arte much, 'teh? Eh sa walang bakanteng table e. Ayaw pa-share?"

"Sa iba ka maki-share!"

Kumagat muna siya sa burger niya. "May napapansin ka ba, chararat?"

Pinaningkitan ko siya ng mata sabay bato sa kanya ng isang fries. "Stop calling me chararat!"

"Taray mo talaga whenever 'no? May dalaw ka ba? Ba't naman ako pag nagkakaroon, 'di naman ako ganyan kataray..." sabay pause. "Charot!" Aba't tumawa pa na parang katulad kay Kris Aquino.

Napailing nalang ako sa kanya at nagfocus nalang sa pagkain ko. Isa pang klase ang mayroon ako ngayon at yun ay Math pa. After that, makakauwi na ako. Gusto ko nang magpahinga, at gusto ko na ring malayo sa malaking germs sa harapan ko.

"Chararat, ang hassle ng first day natin 'no?"

Sige lang, magsalita ka lang dyan. FC much e.

"Kakaiba sa high school natin. Dati marami tayong friendships and everything pero ngayon, super sad na. Feeling ko, iniiwasan nila ako. Ikaw ba, hindi mo ba yun nafifeel?"

Tinignan ko siya habang kumakagat ako sa cheesy fries ko. Actually, tama siya e. Katulad nalang kanina sa ENDEV class namin. Nagpakilala ako sa seatmate ko nun. Nababanas kasi ako sa presence nitong badaf sa kaliwa ko. Kaso, after kong magpakilala, end of conversation na agad. Aba, parang hindi niya nga ako kilala after dismissal e. Kanyang-kanyang alis kasi agad. Kaya ang end game, mag-isa akong nagpunta sa next class namin which is NSTP.

"First day pa lang kasi," walang gana kong sagot sa kanya.

"Hmmm... kunsabagay!" Uminom muna siya sa bottled water niya saka niya ako tinignan ulit. "Pero parang may kakaiba kasi e."

"Ano na naman? Baka hindi ka lang talaga nila feel maging kaibigan? You know-" pinakita ko sa kanya ang kamay kong ginawa kong puppet- "Talkative ka kasi. Loud and noisy."

"Over mo naman! Hindi na nga ako nakapagsalita kanina kasi wala naman akong makausap. Alangan namang kausapin ko ang hangin diba? Bawas ganda points din yun a." Aba't nag-flip hair pa.

"Alam mo, ewan ko sa'yo. At saka, teka lang, ba't mo ba ako kinakausap? Friends ba tayo?"

"Sungit nito. 'Kala mo, kagandahan..."

Bulong lang 'yon pero rinig na rinig ko naman. "Narinig ko 'yon ah. Aish, bahala ka nga dyan!" Kinuha ko na yung natitira kong soda saka ako umalis dun sa table. Nakakabanas talaga 'yang badaf na 'yan. Grr!! Hindi yata ako makakatagal na maging kaklase siya ulit!

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now