30.1 Outbound Tour

184K 7.7K 1.5K
                                    

Chapter 30

No way.

Nag-promise ako kay Badaf na siya lang yung katabi ko sa outbound tour namin. Shucks! What to do? What to do?!

"Misty, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Tyrone. Hindi ko siya tinignan. Nagpapanic kasi ako habang nakadungaw sa windows ng bus. Nagbabakasakali na makita ko nang dumating si Badaf. Kasi naman e! Sa lahat ng araw na pwedeng ma-late, bakit ngayon pang tour? Hindi ko tuloy siya makakatabi dahil sabi nga nung tour guide, kung sino ang katabi sa seats ay siyang ka-buddy all through out the trip. So, meaning to say, si Tyrone na ang ka-buddy ko. Wait, si Tyrone. . . Si Tyrone ang ka-buddy ko?

Buong pagtataka ko siyang tinignan. Paanong nandito siya sa bus ng management eh Engineering student siya? Napansin niya yata yung pag-wowonder sa mukha ko kaya ngumiti siya sa akin ng tipid. "Misty, kalma lang. Ano bang problema? Nakalimutan mo bang papirmahan yung waiver mo?"

Iniling ko ang ulo ko. He was talking about the waiver na dapat i-present ngayon sa class rep namin which happened to be Eunice. Kapag walang waiver na may sign ng parent, hindi allowed na sumama sa tour.

"So, anong meron? Bakit ka hindi mapakali dyan?"

Kumunot ang noo ko. Obvious naman na sa bus namin siya sasakay. Nandito na siya e, sa tabi ko pa. "Wait, Tyrone. Naguguluhan ako," tinaas ko pa sa kanya yung kanang kamay ko na para bang pinapatigil siya, "bakit. . . bakit nandito ka sa bus ng management?"

Natawa siya nang mahina bago siya tumayo para ilagay ang bag niya sa lalagyanan (hindi ko alam ang tawag dun. Basta sa lalagyan ng bag sa ulunan namin) sa overhead namin. "Akala ko, sinabi na sa'yo ni Eunice."

"Na ano?"

Umupo ulit siya sa tabi ko. "Wala ka talagang ideya?"

Umiling ulit ako. "Wala. Ano bang meron? Diba dapat sa Engineering ka?"

"Ayaw mo ba ako dito?" may halong pagtatampo't pagbibiro na tanong niya. Ayoko naman siyang ma-offend. Sa katunayan, hindi naman big deal para sa akin na nandito siya sa bus namin. Ang akin lang, dapat magkatabi kami ni Badaf.

"Hindi naman sa ganun, Tyrone. Syempre nagtaka lang ako. Ang layo naman kasi ng Engineering sa Management diba? Pero seriously, bakit ka nga ba nandito?"

He smiled a little and said, "Gusto ko lang. Okay lang ba?"

"Err. Wala namang problema kaso. . ." hindi ko maituloy yung sasabihin ko. Sana ma-gets pa rin niya yung nasa isip ko na hindi dapat siya ang katabi ko.

"Ahh. Yung bestfriend mo ba dapat ang katabi mo? Si France?"

Speaking of. . .

"Finally! Ikaw nalang ang hinihintay namin, Zion!" narinig kong malakas na sambit ni Eunice. Dali-dali tuloy akong tumanaw sa harapan since nasa third row lang naman ang pwesto ko. I saw Badaf panting as he got in the bus. Naka-back pack siya't naka-yellow org shirt gaya rin namin. Kapansin-pansin pa na hindi nakaayos ang buhok niya. Para siyang natanghali ng gising at tumakbo nalang dito para lang makahabol. Ano kayang nangyari?

"Si Misty?" tanong niya, at ewan ko ba pero napasandal nalang ako sa upuan ko at kulang nalang ay magtago ng mukha. Shucks, katabi ko na si Tyrone. Saan siya uupo?

"Ayun oh! Hey, Tyrone. Nandyan si Misty?"

Napakagat labi nalang ako habang nakatingin si Tyrone. Hindi ko alam kung ako lang ba pero I could sense a cold seconds of silence in the bus sa ginawang yun ni Tyrone.

Humigit muna ako ng malalim na hininga bago ako tumingin ulit sa harapan. Nakasalubong ko ang shocked look ni Badaf na nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Tyrone.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now