Chapter 38

162K 3.5K 474
                                    

Kanina pa ako nasa mall at hinihintay sila Cielo dahil may usapan kaming tatlo nila Maha ngayon na manunuod ng movie pero halos isang oras na ang lumipas, wala pa din ni anino o strand ng buhok ni Cielo o ni Maha ang narito.

Again, I tried to call them. Pero pareho din silang hindi sumasagot sa tawag ko. Panay ring lang ng phone ang naririnig ko.

Kung alam ko lang na ganito, sana inaya ko nalang si Mikael, eh. Pero kahit naman ayain ko siya, hindi pa din siya makakasama sa akin.

Umalis siya kagabi para sa photo shoot nila sa Palawan at sa isang araw pa babalik. Inaaya niya akong sumama kaso hindi din naman pwede. Bukas, kailangan ko na ding mag-enroll. Mas konti nalang naman ang load ko ngayon pero feeling ko mas magiging busy pa rin ako.

Hindi natuloy ang pagtransfer ko ng school. Hindi ako pinayagan ni Kuya Thunder. Masyado daw lame ang reason ko na malayo ang school kaya ako lilipat. Mas malayo kasi ang gusto kong lipatan. At isa pa, one more year won't hurt, according to him.

It was almost a month since I last saw Hugh. Siguro naman, okay na siya kahit na papaano. Hindi ako nagrereply sa mga text messages niya. Ilang araw din niya akong tinext at tinawagan simula noong naaksidentr ako, asking if I'm okay pero iniwasan ko siya. Gusto ko kapag nagkita kami ulit, okay na siya. Okay na siya na magkaibigan lang kami. Kahit isa sa Amaranth, hindi din ako nagrereply. Alam naman nilang hindi ako pala-text na tao. Maliban nalang kung Kerko Mikael Anderson ang pangalan nila, baka pa.

Pinaglalaruan ko nalang ang cake slice na inorder ko habang hinihintay sila Cielo. Hanggang ngayon, wala pa ding reply sa dalawang iyon. Hindi ko maiwasang mainis.

Tama ba talaga ako ng piniling kaibigan? I love them so much, but still, ano lang ba kasi ang magtext sila? Masasabunutan ko talaga 'yung dalawang 'yon kapag dumating sila.

Hindi ko tuloy mapigilang pagdiskitahan nalang ang cake sa harap ko. Buti nalang talaga at may strawberry iyon kaya naawa ako kahit na papaano.

Napatingin ako sa phone ko nang magring ito pero unknown number ang naroon. Sino naman kaya 'to? Hindi naman marami ang may alam ng number ko, eh.

Hindi din naman kasi ako sumasagot sa tawag ng hindi ko kilala, eh. Alam ng mga kaibigan ko na dapat magtext muna sila at sabihin kung sino sila para sagutin ko ang tawag nila. Pero baka kasi si Cielo 'to, nakitawag lang? Pero kailan pa naghirap 'yon?

I just answered the call to know who the caller is.

"Hello?" I said.

Nakatingin ako sa labas ng coffee shop at tinitignan kung nandito na ba sila Cielo o wala pa. Naku! Sasabunutan ko talaga 'yong mga 'yon mamaya.

"Hello?" ulit ko. Wala naman kasing nagsasalita sa kabilang linya. May naririnig akong mga ingay pero wala akong marinig na nagsasalita.

"Hello? Who's this?" I asked. I looked at my phone's screen. Hindi ko talaga alam kung kaninong number 'to, eh.

I sighed exasperatedly. "Look, I don't have that much time. Kung wala kang mapagtripan, maghanap ka ng lubid." I rolled my eyes. "Then use it," I whispered.

"Mika..."

Natigilan ako nang makilala ko ang boses na iyon.

Tinignan ko ulit ang phone ko. Iba naman ang number, eh?

"H-Hugh..."

"Hi," he said.

Napabuga ako ng hangin. "Busy ako ngayon, eh... kasama ko sila Cielo at Maha at--"

"You're alone..." putol nito sa sasabihin ko.

Napalingon naman ako sa paligid ko. Nandito siya?

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon