Chapter 54

164K 4.1K 442
                                    


--

It was 3 am already and I'm still awake.

Pinilit kong ipikit ang mata para makatulog na ako pero hindi ko alam kung bakit. Hindi talaga ako makatulog! Kahit anong pilit ko o anong pwesto ko, hindi ako makatulog.

I'm a night owl, alright. Pero hindi naman kasi ako ganito kahirap matulog! And after what happened earlier, dapat nga mas makatulog na ako. Hindi ko alam kung bakit ako nahihirapan. Was it because of MM, na ngayon ko lang ulit nakatabi o dahil sa kwintas na suot ko o dahil sa lalaking nasa kabilang kwarto?

"Ugh!" malakas na ungol ko.

Bumangon nalang ako at umupo sa kama. I looked at MM beside me. Ayoko siyang yakapin ulit. He smelled like him! Hindi ko alam kung pinaliguan ba ni Mikael ng pabango niya si MM o ano, eh. Naaamoy ko kasi ang pabango ni Mikael dito. Or he was hugging MM? Alin man doon, still, kaamoy ni MM si Mikael.

Dinama ko ang kwintas na nasa leeg ko. It's weird. Sa loob ng tatlong buwan, nagsusuot ako ng kwintas pero laging hinuhubad ko din agad dahil hindi ako mapalagay. Laging hindi ako kuntento kaya hindi nalang ako nagsusuot 'non... and now I felt something inside me na nagustuhan ang pakiramdam na suot ko 'to.

Lahat naman ata sa akin, weird. Ano bang bago?

Humugot ako ng malalim na hininga bago kinuha si MM at ihinarap sa akin.

"Ang gulo ng tatay mo," sabi ko dito na nakasimangot. "Pero mas magulo ang nanay mo," mas napasimangot pa ako habang nakatingin sa ilong ni MM.

"Gusto ko lang naman na maging masaya, eh..." sumandal ako sa headboard ng kama. "Masama ba 'yon?" tanong ko.

Yes, I was happy with Mikael before.

Pero tama kasi lahat ng tao sa paligid ko. That happiness was a poison. Toxic ang pagmamahalan naming dalawa. Kasi nagagawa kong kalimutan ang mga tao sa paligid ko dahil kay Mikael which wasn't right. Nagagawa kong iisantabi ang mga tao sa paligid ko para sakanya.

Ilang beses na ba niya akong sinaktan? Yet I was still there for him. Iniintindi siya. Pinapatawad siya.

Now, I just want to be happy. If it's with him or not, bahala na. Basta gusto kong sumaya. I offered friendship. Kasi hindi ko pa kayang pumasok sa relasyon ngayon. Kahit sakanya pa ulit.

I'm still scared.

Kung kaya niyang gawin ng dalawang beses sa akin 'yon, I'm pretty sure, magagawa niya ulit. Paano kung pagbibigyan ko siya pero may problema na naman na darating? Iiwan niya ako ulit? No, thanks. I've had enough.

Naalala ko 'yung tingin niya sa akin kanina habang inaamin niyang walang-wala sa naramdaman kong sakit ang nararamdaman niya. It was the same look I saw when he was begging me to stay, 3 months ago. Full of pain.

"Tama naman ang ginagawa ko, diba?" tanong ko kay MM. "I just want to protect myself..." sabi ko pa. "How ironic. I want to protect myself from my Superman..." I sighed heavily. "Gusto kong protektahan ang sarili ko sa taong dapat na nagpoprotekta sa akin."

He was protecting me from Camilla. That's what he said. Still, may point man ang dahilan niya, hindi pa din tama. Sana sinabi nalang niya sa akin. Sana nagtiwala nalang siya sa akin. Instead of hurting me. Harap-harapan akong nagmakaawa sakanya na 'wag akong iwan. Pero harap-harapan niya ding hinalikan si Sophia at ipinagtabuyan ako palayo.

"Ah, dàmn it!" I shut my eyes sighed deeply. I need milk! Baka sakaling makatulog na ako kung iinom ako ng gatas.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto para bumaba sa kusina. Nakapatay ang ilaw sa buong bahay ni Mikael kaya naman nagdadahan-dahan ako dahil halos wala akong makita. Hindi talaga marunong mag-adjust ang mata ko sa dilim.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon