Chapter 45

149K 4.6K 1.2K
                                    

#MagmamadreNaSiMika Haha. Joke!

--

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paanong nagawa sa akin ni Hugh ang bagay na 'yon. Kung bakit... kung anong kasalanan ko sakanya at sa kapatid niya.

After he told me those words, nagpumilit ako na umuwi sa amin. He tried to stop me, but he couldn't do anything. Ayoko siyang makausap. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang makasama. Ayoko sakanya.

"May plano ka bang sabihin sa Kuya mo 'yung nalaman mo?" tanong sa akin ni Cielo habang nasa kwarto ko silang dalawa ni Maha.

Napapadalas na din ang pagpunta ni Cielo at Maha dito sa bahay. Kung wala sila, si Lance ang kasama ko dito.

Ilang araw na din akong nagkukulong sa kwarto ko. Ayokong lumabas. Ayokong makakita ng ibang tao.

Natatakot ako sakanila.

Natatakot ako na lahat sila, lolokohin lang ako.

Sasaktan lang ako.

Pagod na pagod na ako.

"Hindi ko alam," huminga ako ng malalim. I talked to Kuya Thunder last night. He said he was worried about me. I told him I was fine. I just asked him to do something about my classes. Hindi ko kasi mapilit ang sarili ko na pumasok pa ng school. I just can't. Ayokong makita sila.

Hindi ko kasi alam kung kahit isa ba sakanila, naging totoo sa akin o alam nilang lahat ang plano ni Hugh.

Alam nilang niloloko lang ako ni Hugh.

Nagtiwala ako sakanila, eh. Naniwala ako sakanila. Tinuring kong kaibigan, pero may pagdududa na sa akin.

Alam kong gustong alamin ni Kuya ang nangyayari pero wala akong balak sabihin ang kahit na ano sakanya. Maybe not now. Alam ko na si Mikael pa din ang sinisisi ni Kuya kaya nagkakaganito ako. Iniisip niya na si Mikael pa rin ang dahilan. Gusto kong ipagtanggol si Mikael sakanya, pero 'di ko magawa.

Because that was partly, true.

But the main reason was I'm really scared.

Sinabi niya na gagawan nalang niya ng paraan at kakausapin nalang ang admins sa school na kung pwedeng hindi na ako sumama sa defense namin. Ang alam ko, this week na 'yon. Kung magagawan ng paraan ni Kuya, hindi na ako papasok ng school. Bahala na kung paano ang isang sem. I don't want to think about that now. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang dagdagan ang mga iniisip ko.

"Your brother needs to know, Ela. Psychotic 'yung babaeng 'yon. What if gawin niya ulit sa'yo 'yon?" tanong na muli ni Cielo. "Isa pa 'yang Hugh na 'yan, baliw din," iiling-iling na sabi niya.

Hindi ako nagsalita. Hugh was still trying to talk to me. Tinatawagan pa rin ako ni Hugh. Nagtetext pa din siya sa akin. Pero hindi ko pinapansin ang ginagawa niya.

Hindi ko talaga kayang makipag-usap sakanya.

"I'm really curious about Camilla. Shit 'yung babaeng 'yon, sino kaya 'yon?" tanong ni Maha sa akin. Si Cielo naman ay nasa tabi ko at humiga na din.

Nagkibit-balikat ako.

I don't know her either. Never heard of her, actually.

Baka si Mikael, kilala 'yon before. Kinakapatid niya si Hugh. Baka may idea siya kung sino ang babaeng iyon.

"Bakit ka naman kasi umalis agad sa mall, Mika? Sana sinabihan mo kami para naman nakalbo namin si Sophia!" sabi ulit ni Maha sa tabi ko. They knew what happened. Hindi naman kasi nila ako tinigilan sa kakatanong kung saan ako nagpunta. Kung bakit, at paano ko nalaman ang tungkol kay Hugh at sa aksidente namin ni Mikael noon.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon