Chapter 70

223K 5.4K 2.1K
                                    



--

Everything was going according to the plan. Paggising ko pa lang kinabukasan, nakita ko na agad na abala ang lahat para sa araw ng kasal ko. Kahit na medyo napuyat pa ako ng bahagya dahil sa sobrang excitement para sa kasal namin ni Mikael, maaga pa din akong nagising para sa araw na ito.

Kasama ko sila Cielo sa loob ng kwarto na pawang abala din sa mga kailangan sa kasal.

"1 pm pa naman ang kasal, guys. Kalma muna kayo," sabi ko sakanila nang makita ko ang pagkataranta nila habang tinitignan ang checklist nilang dalawa. Kung kumpleto na ba ang gagamitin kong alahas, kung ayos na ang sapatos ko, ang bulaklak, ang gown... sila talagang dalawa ang punong-abala sa kasal at sobrang nagpapasalamat akong silang dalawa ang kaibigan ko. Sa palagay ko, hindi magiging ganito ka-okay ang kasal ko kung wala sila.

"Mika, sa sobrang clumsy mo, baka mamaya kasi matipalok ka! Magflats ka nalang kaya?" tanong sa akin ni Maha habang may hawak itong papel at nasa may dining room kami at nag-aalmusal. Nauna nang mag-almusal si Mommy sa amin dahil may inaasikaso din ito para sa mag-aayos sa akin. Nakita kong marami-rami na ang tao sa bahay namin para mag-ayos at para na din kunan ako ng videos at pictures. Nakakailang tuloy kumain habang may nakatutok na camera sa akin.

"Rubber shoes ka nalang kaya? Pero siyempre violet para papayag ka," segunda naman ni Cielo habang tinitignan sa cellphone ang gagawin ko ngayong araw. Hindi ko napigilang mapailing. Kapag sila kinasal, isasabotahe ko talaga, eh.

It took us almost half an hour bago kami natapos sa pagkain, pagkatapos naman noon ay dumiretso na kami sa kwarto ko para mag-ayos. Naligo na ako at ganun din naman sila Cielo at Maha na ginamit ang mga banyo na nasa guest room ng bahay namin. I was just wearing a robe when I got out.

Since it was just almost 9 am, marami pa kaming oras para mag-ayos. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang mga messages ko.

May ilang missed calls galing kay Lance at Dale at sa ilang models. Tumawag din pala sa akin si Kuya Hunter pero kumakain kasi kami kanina kaya iniwan ko na ang phone ko. Marami-rami din ang text messages ko pero wala akong binasa. Nag-scan lang ako para alamin kung sino-sino sila.

Nagcheck din ako ng mga notifications ko sa facebook, twitter at instagram. Panay nagsisipagbati sa akin ng congratulations at best wishes. Maging si Paulo, nag-iwan ng mensahe sa akin sa facebook na agad ko namang pinasalamatan. Sayang at nasa America na ito ngayon kaya hindi ko naimbitahan sa kasal ko.

"Huy, mamaya ka na magcellphone! Aayusan ka na kaya," sabi ni Maha sa akin na naka-robe lang din. Sinimangutan ko naman siya.

Masyado silang nagmamadali. Ala-una pa naman ang kasal, eh. Pero hindi na ako tumutol lalo na noong nagsipag-akyatan na ang make-up artist, ang hair stylist at ang photographer na kukuha ng mga litrato ko habang inaayusan ako.

Si Mikael kaya, kamusta na? Naghahanda na din kaya siya? Nag-almusal na kaya siya? Sino kayang kasama niya?

Unlike Kuya Thunder's wedding, wala naman kasing kaibigan si Mikael na katulad nila Kuya PJ, Kuya Cupid at Kuya Blue. Si Dale lang ang makakasama nito na siyang tatayong best man ni Mikael. Kung sabagay, wala namang ibang tatayong best man niya. Aside from Dale, wala naman nang malapit na lalaking kaibigan si Mikael. At nasisiguro ko namang ayaw niya na si Lance ang maging best man.

At hanggang ngayon, nag-iisip pa din ako kung bakit hindi sa best man ikinakasal ang bride. He was the best man, right?

Habang inaayusan ako ng buhok, hawak-hawak ko ang phone ko at itinetext ko si Dale na napag-alaman kong sa bahay din ni Mikael natulog. Sinabi niya din sa akin na maaga daw nagising si Mikael. Siya ang nag-iinform sa akin ng mga ginagawa ni Mikael ngayon.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon