Chapter 29

172K 3.9K 626
                                    

Mula kagabi ay hindi ko na alam kung paano ko itatago ang kilig at sayang nararamdaman ko sa mga tao sa paligid ko. After hearing those words, parang mas nadagdagan ang mga dahilan kung bakit kailangan kong gawin ang kaya ko para maalala ako ni Mikael. Nadagdagan ang dahilan ko para huwag bumitaw at patuloy na kumapit sa aming dalawa.

"Mika, nakakatakot ka na..."

Nakangiti kong nilingon si Dale nang magsalita ito. "Ano 'yon?" I asked him while still smiling.

"Bawasan mo naman ang ngiti mo, kagabi ka pa ganyan, eh," nakasimangot na sabi niya sa akin.

Mas ngumiti naman ako sakanya. "Si Mikael kasi, eh." Nilingon ko si Mikael na kausap na naman ang client. Naka-plain white shirt lang ito at shorts. Pero, bakit ba ang gwapo gwapo pa din niya kahit napakasimple talaga ng suot niya?

"Kilig na kilig ka naman." Pang-aasar ni Dale.

"Oo." Hindi ko napigilang mapahagikgik. Masaya ako, oo. Pero may part pa din na nalulungkot sa nangyayari. Pakiramdam ko kasi, sinasabi lang naman ni Mikael 'yung mga bagay na 'yon kasi 'yon ang sinasabi ko sakanya mula nang magising siya, eh. Lahat kami, sinasabi na girlfriend niya ako... na mahal niya ako.

Alam ko, hindi niya pa din ako naaalala... na sa ngayon, nakadepende siya sa akin. Lahat ng sinasabi ko, pinaniniwalaan niya. Wala naman akong sinabing hindi totoo sakanya. Maliban sa break up namin noon na hindi naman na mahalaga sa ngayon.

Gusto ko na ulit marinig na sinasabi niya 'yung 'I love you' sa akin, pero kung hindi niya pa ako naaalala, ayoko na din munang sabihin niya iyon. Gusto ko kapag sinabi niya 'yon, puso niya 'yung magsasabi. Hindi 'yung dahil nararamdaman niya lang na obligasyon ang pagsasabi noon sa akin.

Lumingon sa kinaroroonan namin ni Dale si Mikael kaya naman ngumiti ako sakanya. He just smiled a little and that was enough to make me smile again.

"Nakakapikon kayong dalawa, no?" Narinig kong komento ni Dale. Tumaas ang isang kilay ko sakanya. "Bakit?" I asked him.

"Nakakakilig kasi kayo, eh." Inis na inis na sabi ni Dale. Hindi ko naman napigilang matawa sa sinabi niya.

"Ikaw, ba't di ka ba maghanap ng girlfriend para hindi ka bitter na bittrt sa amin ni Mikael?" Tanong ko sakanya. Sumimangot lang si Dale sa akin bago nagcheck sa hawak na tablet ng pictures ng models. Based on what Mikael said before, may gusto si Dale na model pero hindi ito pinapansin noong model. Ewan ko lang kung hanggang ngayon, gusto pa rin ni Dale 'yung babae. Ilang taon na din naman ang nakalipas.

And who I am to judge him? Hindi pa din naman nagbabago ang nararamdaman ko kay Mikael. Ilang taon na din ang nakalipas. Mahal na mahal ko pa din si Mikael.

"Dale..." napalingon kaming dalawa ni Dale nang magsalita si Mikael. Nakalapit na pala siya sa amin at hindi ko man lang agad napansin.

"Bakit?" Tumayo si Dale at lumapit dito. Nakaupo lang ako at nakatingin sakanilang dalawa. Seryosong seryoso ang mukha ni Mikael habang kausap si Dale. Hindi talaga sila mukhang mag-boss. Si Dale kasi, gwapo din naman. May charm din naman siya at hindi siya suplado kaya alam kong marami ding nagkakacrush dito habang si Mikael naman, napakasungit na nga, napakarami pa ding babaeng nagpapapansin sakanya.

Ganoon naman ata ang karamihan sa babae. Mas natuturn-on sa lalaking masungit na misteryoso. Parang si Mikael ko.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Dale habang magkausap sila ni Mikael. Halatang-halata din ang inis ni Mikael base sa pagkunot ng noo nito at pag-iling.

May problema na naman kaya sila? Ito talagang si Dale, lagi nalang binibigyan ng problema si Mikael. Sinabi ko na sakanya na huwag niyang masyadong iniistress si Mikael, pasaway din talaga.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon