Chapter 69

191K 4.3K 442
                                    


--

Nakaupo lang ako sa may upuan sa Sweet Desire habang abala ang lahat sa pag-uusap tungkol sa kasal naming dalawa ni Mikael. Naging meeting place na namin ang SD at wala namang reklamo sila Ate Steph at Ate Cristine dahil laging binabayaran ni Mikael lahat ng tinda nila para sa araw na naroon kami dahil wala na ngang costumer ang makapasok halos dahil nag-uumpukan kaming lahat doon dahil nakikipag-usap kami sa planner ng kasal at maging sa ibang detalye pa.

Pero hindi nagpapaawat si Ate Cristine sa pagtitinda ng mga cakes kapag may bumibili pa. Hindi naman daw kasi namin mauubos lahat, doble kita na din daw, sabi niya.

"Strawberry cake?" alok ni Lance sa akin nang maupo siya sa tabi ko. Kasalukuyang kausap ni Mikael si Dale para sa mga kakailanganin sa kasal. Kung sinong photographer ang makakasama ko, sinong magvivideo, sinong kasama ko... lahat, para sa akin. Kung minsan, iniisip ko na wala na atang detalye sa kasal na gusto ni Mikael. Lahat ng gusto ko, at sa tingin niyang magugustuhan ko, iyon ang nangyayari.

"Busog pa ako, eh," sabi ko kay Lance habang nakatingin ako kay Cielo na sinusukatan naman ni Ate Cyan para sa gown nito. Purple and pink ang motiff ng kasal ko na hindi naman tinutulan ni Mikael. Kahit na favorite color niya ang blue, hindi niya isinatinig iyon. When they asked us what our motiff will be, he said purple. Kasi alam niyang favorite ko.

"Isang cake ba naman ang kinain mo, ewan ko nalang kung 'di ka mabusog 'don," pang-aasar ni Lance sa akin bago siya tumawa. Hindi ko naman napigilan mapairap. "Ba't 'di ka mag-girlfriend para may iba kang inaasar? Ako na naman ang nakita mo, no?" tanong ko sakanya. Wala na naman siyang ibang mapagtripan.

Tumaas ang isang kilay ni Lance sa akin. "Not an option, baby. And... sino pa bang dapat kong tignan maliban sa'yo? Wala naman na," sagot niya sa akin habang nakangisi.

"I'm very much engaged, Lance," tinaas ko ang kamay ko at pinakita ko ang singsing ko sakanya. "Stop calling me baby," sabi ko nang nakangiti. I'm sure, hindi matutuwa si Mikael kung maririnig niyang tinatawag pa din akong baby ni Lance. If we reverse the situation at may tatawag ng baby kay Mikael, baka maihulog ko siya sa well nang wala sa oras.

"I know that, baby. Kakasukat nga lang ng susuotin ko para sa kasal mo, eh..." nakasimangot na sabi ni Lance sa akin bago kumuha sa strawberry cake na nasa harap nito. "Pero wag mong ipilit sa akin na maghanap ng girlfriend dahil lang ikakasal ka na. I'm fine, really. Gwapo ako kaya hindi ako mawawalan, okay? 'Wag mo akong problemahin. Mahaba naman na ang pila," sabi nito habang tumatawa.

"Hindi ka naman mayabang, ano?" irap ko sakanya. Tawa pa din siya ng tawa sa akin kaya naman naglingunan na ang lahat sa amin. Nakakunot ang noo ni Mikael habang nakatingin sa amin ni Lance. Nginitian ko nalang siya kahit pa hindi siya ngumiti pabalik at ibinalik kay Dale ang atensyon.

Napakasungit talaga.

Napalingon ako kay Cielo na nakatingin din sa amin ni Lance. I waved at her. She just smiled a little.

Naalala ko 'yung sinabi ni Ate Cyan. Nagpunta si Cielo sa office ni Lance before. Napatingin naman ako kay Lance na abala sa cellphone nito.

"Baka ma-in love ka, tama na pagtitig. Ikakasal ka na, eh," sabi ni Lance bago nag-angat ng tingin at nginitian ako. Ngali-ngali ko namang tuktukan ng hawak kong phone si Lance. Wala ng ibang ginawa kundi mang-asar, eh.

"Whatever," I rolled my eyes. "May gusto lang akong itanong..." sabi ko sakanya.

"Ayokong maging kabit mo, baby. Magback out ka nalang, kung gusto mo..." ngumisi siya sa akin.

God, kung hindi lang masamang manakit ng kapwa, kanina ko pa pinagtutusok ng tinidor si Lance!

"Umayos ka nga!" singhal ko. "Puro ka kalokohan! Seryoso kaya ako dito!" I glared at him. Minsan talaga hindi matinong kausap si Lance! Kung kailan kailangan ko siyang magseryoso, doon pa siya magulo. Doon ka pa walang mapala. Pasalamat talaga 'to, mahalaga siya sa akin, eh. Kung hindi, matagal ko ng tinapos pagkakaibigan naming dalawa.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon