Chapter 63

158K 3.7K 339
                                    


--

"Mika, minsan lang tayo magkakasama, ganyan ka pa? Grabe ka talaga..." ani Maha na nakahiga sa kama ko at pilit inaalis ang takip na unan sa mukha ko. I silently cursed. It was 10 in the morning at wala talaga akong balak umalis ng bahay o lumabas man lang. Gusto ko lang magstay sa kwarto ko, sa kama ko. Manuod ng kung ano-ano, kumain, matulog. Wala akong balak gawin maliban sa mga bagay na iyon.

Since it's almost Christmas na, busy'ng busy sila Mikael sa photo shoot nila dahil mas marami na silang ginagawa ngayon. And Kuya Thunder told me to stay in the house, too. Inaayos na niya ang papers ko sa school para sa OJT ko para makagraduate ako since isang sem nalang naman ang kulang ko. Medyo late na ako dahil sa January ako magsisimula but it was fine since ang kuya ko naman ang maghahanap ng mapapasukan ko for my OJT. If it's our business o business ng friends niya, that'll be fine with me. At kaya ko naman sigurong matapos ang allotted time in 3 months since araw-araw din akong papasok doon. After graduation pa daw isusure ni Kuya ang flower shop na sinasabi ko, eh. Kaya pumayag na din ako sa gusto niyang mangyari.

"Bumangon ka na nga kasi diyan," sabi naman ni Cielo na biglang hinila ang kumot na tumatakip sa akin. I groaned in frustration. Tinignan ko silang dalawa ng masama.

Maha was smiling while Cielo was glaring at me as well. I fell back to my bed. Hinila naman nilang dalawa ang kamay ko. God! Bakit ba para kaming teenagers umakto tatlo? Seriously, we're almost 25 years old, pero pakiramdam ko, 'yung mga utak namin, nastuck sa 20.

"Saan ba tayo pupunta? Mall na naman? Nakakatamad kaya," sabi ko sakanilang dalawa nang umayos ako ng upo at niyakap si MM na nasa tabi ko lang.

"Hindi. Pupunta muna tayong hospital kasi may tumawag sa'yo kanina. I answered your phone kasi I think it's important," Cielo said. Kumunot naman ang noo ko. Kinuha ko ang phone kong nasa tabi ng necklace ko sa may bedside table ko. I checked my recent logs.

The call she was talking about was from Paulo.

"Anong sabi ni Paulo?" tanong ko. Ilang araw ko na ding hindi nakakausap si Paulo simula nang ginawa niya ang ginawa niya sa akin sa may garden. I'm still pissed at him but I don't want to be pissed at him forever kaya kinakalimutan ko nalang ang ginawa niya. He tried to talk to me, though. Pero wala pa siguro talaga ako sa kondisyon na makipag-usap sakanya. I opted to ignore him and the flowers he's sending every day.

I can't force myself to like him back. No way. I tried that before... with Hugh. I admit, I liked him. Nagkagusto ako kay Hugh. He became special to me. He became a part of me. Pero 'yung naramdaman ko para sakanya, walang-wala sa naramdaman at nararamdaman ko para kay Mikael.

It was like, no matter how many times I fall in like with someone else, mabubura 'yung pagkagusto na 'yon kapag nandyan na si Mikael. Without doing anything, kayang-kaya niyang mas mapamahal sa akin. Effortless, mas minamahal ko siya.

"Basta kasi tumayo ka na diyan, pupunta tayong ospital ngayon," sabi ni Cielo sa seryosong tinig. Napakunot naman ang noo ko. Kahit na mas gusto ko pang manatili sa may kama ko, bumangon nalang ako at naligo. Nauna naman sila Maha at Cielo sa akin sa baba para makipagkwentuhan kay Nanay Lourdes. Plus Kuya Thunder's here. Kasama nito si Theon kanina dahil si Ate Rain, kasama ni Ate Zyline ngayon.

Pagbaba ko, naabutan ko naman agad si Maha na nakatingin kay Kuya Thunder habang kausap ni Kuya ang pinsan ko. Cielo was holding Theon naman.

"Kuya," I greeted my brother. Humalik ako sa pisngi nito bago lumingon kay Kuya Daniel na nakataas ang isang kilay sa akin. Nakasuot ito ng white polo na nakatupi ang manggas hanggang siko at nakabukas ang tatlong butones, sapat para makita ang magandang katawan nito.

"What's your problem?" tanong ko sakanya. He shrugged and smiled. "Wala naman, Mika... pero kapag umiyak ka ulit, may isang taong mamomroblema kung paano siya magtatago," ngumisi siya sa akin bago ginulo ang buhok ko.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon