Chapter 14

166K 4.2K 324
                                    

Wattpad Presents: #UnwantedGirlfriend every 9pm. July 20-31 :)

--

Pinagmamasdan ko si Hugh habang kausap si Mang Nestor tungkol sa pamamasyal namin mamaya habang naglalagay ng strawberry jam sa tinapay. Medyo late ako nagising dahil napuyat ako kagabi.

Naaalala ko ang sinabi niya kagabi about forgiving him kapag bumalik si Mikael. It addles my mind, actually. Anong kinalaman niya kay Mikael? Wala naman siyang kasalanan sa amin o sa aksidente namin, pero bakit sa pakiramdam ko ay may alam siya.

Huminga ako ng malalim bago ko sinulyapan ang cellphone ko. Kagabi pa text ng text sa akin si Lance, nagtatanong kung nasaan na ako at kung anong oras ako uuwi. Hindi naman na ako nakareply dahil nang umakyat ako para matulog ay halos alas-dos na ng madaling araw. Nakatulog ako agad nang mailapat ko ang likod sa kama. Hindi ko mapigilang mapangiti. Lance will always be like that. So protective. Kung hindi siya titigil sa ginagawa niya, malamang ay masasabunutan ako ng magiging girlfriend niya sa future.

Huminga ako ng malalim bago ako tumingin sa malaking bintanang naroon. Tanaw doon ang labas. Sariwang sariwa ang hangin at ang ganda ganda ng paligid.

Natutuwa ako sa lugar na ito. It's not that far from the city pero parang ibang iba. Kaninang nagising ako ay kitang kita ko ang fogs. Natural ang lamig at hindi kailangan ng air-con. I really like it here. Ang sarap sigurong tumira sa Baguio... plus I get the chance to eat fresh strawberries everyday!

"Morning." Bati ni Hugh sa akin bago umupo sa harap ko. He's wearing a black shirt with red jacket samantalang ako'y naka-pantulog pa at naka-jacket lang. Para bang bigla akong naconscious sa itsura ko.

"Morning." Ngumiti ako sakanya ng tipid. "Anong oras tayo mamimitas ng strawberries?" Tanong ko sakanya matapos kumagat ulit sa tinapay na hawak ko. I know, sobrang ang atat ng dating ng tanong ko but I can't help it. Naeexcite naman talaga ako sa gagawin namin.

"10 am." Sagot ni Hugh. "How's your sleep?" Ngumiti siya sa akin.

"Okay naman. Gusto ko dito. Ang peaceful, ang kalma ng lugar." Parang 'yung sa province ni Mikael. Payapa lang. Masaya. Kasama ko siya. Sana pwede akong bumalik 'don nang kasama ko si Mikael.

"Okay ka lang?" Napaangat ako ng tingin nang marinig kong magtanong si Hugh. Napansin kong inilagay ko pala sa plato ang hawak ko. Bigla'y parang nawalan ako ng gana.

"Yeah." Tipid akong ngumiti. Alam kong hindi siya naniniwala pero hindi naman na siya nagtanong sa akin. Hindi ko din naman sasagutin ng totoo kung sakaling magtanong siya.

Kagabi, noong sinabi niyang mahal niya ako... hindi ko alam, pero parang may kung ano sa loob ko ang nabuhay. For almost 2 years, nabubuhay ako sa ala-ala namin ni Mikael... hindi ko alam pero... ngayon nalang ako ulit nakaramdam ng ganoon. Magmula nang maaksidente kami ni Mikael.

Matapos mananghalian ay naligo na ako. Kinailangan ko pang timplahin ang temperatura ng tubig dahil baka maging yelo ako sa lamig nito. Isang floral dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang napili kong suotin tsaka ko ito pinatungan ng isang maong na jacket. Flat shoes lang din ang ginamit ko. Itinupi ko naman hanggang siko ang manggas ng jacket ko.

Magkasabay na kaming lumabas ni Hugh para puntahan ang taniman nila ng strawberries. Hindi ko mapigilang mapangiti. This will be the first time that I'll harvest strawberries. This will be fun!

Pinabayaan ako ni Hugh na kumuha ng sarili kong basket at tsaka namitas ng strawberries. Paglingon ko sakanya ay nakita ko siyang kinukunan ako ng pictures. Doon ko lang napansin ang hawak niyang camera. Kumaway nalang ako sakanya. Isinabit niya naman sa leeg ang camera bago kumaway pabalik sa akin.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon