Chapter 6

192K 4.6K 465
                                    

I was sitting on the center of my bed, earphone's on, volume's up and I'm not giving a damn to anyone. I am trying to focus my mind. I am trying to analyze my situation.

I asked for a sign. I got it. But why? Why it seems like everyone wants me to forget him? Hindi pa ba nila nararanasan magmahal ng isang tao? Isang tao na tinuturing mong lahat sa'yo?

~There are no words to paint a picture of you, girl. Your eyes, those curves, it's like your from some other world. You walk my way, Oh, God, it's so frustating, so why do I disappear when you come near, it makes me feel so small, why do I blow my lines, most everytime, like I've got no chance at all...~

I closed my eyes and breath. Hearing his voice again makes me feel that he's here. Parang nararamdaman kong andito lang siya but once the song ends... sasampal na naman sa akin ang realidad na wala siya.

Mikael.

Nahihirapan ka na din ba?

Nakikita mo ba 'yung nangyayari sa akin?

Nararamdaman mo ba 'yung sakit na nararamdaman ko?

Namimiss mo din ba ako?

Hinihiling mo ba na sana, makita mo ulit ako...

Mahawakan ako...

Mayakap ako...

Mahalikan...

Kasi ako, oo.

Walang araw na hindi ako humihiling na bumalik ka. Na makasama kita.

Walang araw na hindi ko naisip kung paano lilipas 'yung araw na 'yun kung kasama kita.

"Mikael..." Nararamdaman ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.

~If I could be your Superman, I'd fly you to the stars and back again... 'Cause everytime you touch my hand, you feel my powers, running through your veins, but I can only write this song, and tell you that I'm not that strong... 'Cause I'm no Superman, I hope you'll like me as I am...~

I hugged my knees and cry again. Hanggang ngayon, ang sakit sakit pa din.

Superman, miss na miss na kita.

Kahit saglit lang, gusto kong makasama ka ulit. Kahit isang minutong yakap lang, okay na ako. Gusto ko lang makasama ka ulit. Kahit sandali lang...

Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. I looked at whoever it is.

"Yaya Lourdes..." She smiled at me. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.

"Yaya, si Mikael..." I sobbed. "Si Mikael..."

Naririnig ko ang pagpapatahan niya sa akin. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Kailangan kong ilabas ulit 'yung bigat ng kalooban ko dahil kung hindi ko iiiyak ito, masisiraan ako ng bait.

"Miss na miss ko na siya, Yaya..." Patuloy pa din ako sa pag-iyak. "Miss na miss..."

"Mikaela..." Tinatapik-tapik niya ang likod ko. "Tumahan ka na... sigurado akong ayaw ni Kerko na makita kang namumugto ang mata."

Yaya's right. Mikael never wanted to see me crying. Pero anong magagawa ko? Sa tuwing maaalala ko siya, naiiyak ako.

"Nasa baba ang ina ni Kerko." Nag-angat ako ng tingin. "Ano po?" Nasa baba si Mommy Charm?

"Binibisita ka niya." Yaya replied. "Ayusin mo na ang sarili mo. Halatang umiyak ka kaya siguradong magtatanong 'yun sa'yo." Inayos ni Yaya ang buhok ko at inipit sa tainga ko.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon