Chapter 24

165K 4.2K 991
                                    

TeamHugh o TeamKerko? :)

--

Naabutan ko si Dale na nakaupo sa couch katabi si Mikael habang nanunuod ng kung ano sa TV. Nakita ko din ang ilang cans ng beer na nasa lamesa. Hindi ko napigilang mapailing.

"Is that beer, Dale?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. Sinabihan ko na siya kanina, bakit ba ang kulit nito?

"Yes, Mika." He looked at me and smiled. "Don't worry, hindi ko pinapainom si Kerko dahil alam kong papatayin mo ako kung hahayaan ko siyang uminom agad." Ngumisi siya ulit sa akin. Napailing nalang ako ulit. Nakaupo lang si Mikael habang nanunuod. Ni hindi man lang ako nilingon ulit.

Dumating na ang inorder ko para sa hapunan maya-maya. Nag-order din sila Dale ng pizza kanina habang wala ako at kumuha ako ng gamit sa bahay namin.

"Do you want anything?" Tanong ko kay Mikael nang lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya. Inakbayan niya lang ako tsaka umiling.

"Mika, nasabi ko na pala kay Kerko na hindi ka marunong magluto at magtimpla ng kape kaya alam niya na ang dapat tanggihan." Nakangiting sabi sa akin ni Dale bago muling uminom ng beer niya.

"Fùck you, Dale." I looked at him sharply. Nakita ko namang nagbaba ng tingin sa akin si Mikael. "Stop cussing." He whispered. Inilagay niya pa ang index finger sa labi ko.

"Si Dale kasi." Pagsusumbong ko kay Mikael. I know how to cook basic food. But that doesn't mean I really know how.

Noong nasa Italy kami, nagpaturo ako kay Lance magturo dahil noong kay Mikael ako nagpaturo, wala naman akong nagawa dahil nakatitig lang ako sakanya.  Naturuan ako ni Lance. Nakakapagluto ako kapag may kasama akong nag-aassisst, pero kapag wala... wala din. Mabilis kong nakakalimutan ang procedures maging ang measurements. Lance told me I should write the procedures down pero noong sinubukan kong magluto ng adobo, mas nauna ko pang mailagay ang suka kaysa sa toyo.

"Don't blame him. Just stop cussing." He muttered. Napanguso nalang ako bago sumandal at inihilig ang ulo sa dibdib ni Mikael. Nagsusungit na naman siya, eh. Naaksidente na't lahat, hindi man lang ata nabawasan ang kasungitan nitong lalaking 'to. But at least, he's still the same... minus the memories, of course.

"Kukuha lang ako ng pagkain." Humiwalay ako kay Mikael at tumayo na. "Dale, lumayas ka na nga." Inirapan ko si Dale na prenteng nakaupo sa couch ni Mikael.

"Mika, bumalik lang si Kerko, sumama na naman ugali mo. Ba't ka ganyan?" Pagdadrama ni Dale sa akin. Kinuha ko naman ang throw pillow at ibinato sakanya. "Ang kapal mo." Inirapan ko ito pagkatapos nitong mahuli ang binato kong unan.

"Stop it, Dale." Iyon lang ang sinabi ni Mikael pero nanahimik na si Dale. Ngumisi pa rin siya sa akin habang paalis ako. Sinimangutan ko nalang siya para hindi na ako pagalitan ni Mikael. Nakita kong may buong strawberry cake pa sa loob ng ref nang buksan ko ito. Alam kong galing iyon kay Ate Stephanie kaya naman parang wala akong ganang kainin iyon. Kumuha nalang ako ng juice at 'yong chocolate cake na dala ni Cielo kanina at bumalik na sa tabi ni Mikael. Nakakunot pa rin ang noo niya.

"Are you sure you're okay? Gusto mo na ba magpahinga?" I asked him. Umupo ako ulit sa tabi niya at muli, ibinalik niya ang kamay sa pagkakaakbay sa akin.

"May iba ka pa bang kaibigang lalaki?" Nagbaba siya ng tingin sa mukha ko. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit?" Tanong ko sakanya.

He frowned. "Just answer me."

I rolled my eyes. "This is about Hugh, am I right?" Iniipit ko sa tenga ang buhok kong natanggal sa pagkakatali ng buhok ko bago tumingin sa screen ng TV.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon