Chapter 36

147K 4K 399
                                    

Hi sa mga nagpunta sa MIBF at lumapit sa akin! 'Yung mga nahiya, next time, huwag na, ha? :)

--

He was with Sophia.

Why the hell he was with that girl?

Hindi ako makatulog dahil sa nabasa ko mula sa phone ni Mikael. Nasa kwarto na niya ako ulit at mahimbing na siyang natutulog sa tabi ko. Nakayakap siya sa akin pero hindi ko maramdaman ang security na lagi kong nararamdaman kapag yakap niya ako. Maybe it was because of that freaking text message. Nabobother talaga ako...

Bakit hindi sinabi sa akin ni Mikael na nagkita sila ni Sophia? And that late? Anong ginawa nila? Anong pwedeng gawin nila ng ganoong oras?

At bakit sila magkasama? Paano sila nagkita?

Huminga ako ng malalim at pilit iniisip ang pwedeng dahilan pero wala, eh. Imposible namang si Mikael ang nagpunta kay Sophia dahil hindi naman maalala ni Mikael si Sophia. So it was Sophia.

Pero bakit? Ano na namang gusto ng babaeng 'yon at lumapit siya kay Mikael?

Hanggang kinabukasan, iniisip ko pa din ang text ni Sophia kay Mikael. May nangyayari bang hindi ko alam?

"Uh, Mikael..." umupo ako sa malapit sakanya habang abala siya sa pagluluto. "How are you? I mean... may naaalala ka na ba ulit or may blurred moments..." kinagat ko ang labi ko habang alanganing nakatingin sakanya.

He looked at me and shook his head. "Wala pa din..."

"Anything?" I asked him picking up the tomato near him. Humugot ako ng malalim na hininga habang nakatingin sa kamatis na hawak ko. "Kahit si... si Sophia?" kinagat ko ang labi ko habang hinihintay ang sagot niya.

Naramdaman kong natigilan siya dahil sa sinabi ko.

"Sophia?" he asked me. Napasimangot ako. Hindi naman siguro siya magmamaang-maangan. Kitang kita ko sa phone niya ang pangalan ni Sophiyuck.

"Yeah..." I nodded.

"You mean Sophia Martinez?" he asked again. Muli, tumango ako. So kilala niya talaga si Sophia? Naaalala niya 'yung babaeng iyon?

Tumingin siya sa akin habang nakakunot ang noo at parang may iniisip. "I saw her last last night. She approached me and asked me out..." he shrugged. "I said I was busy and I really want to go home because I know you're here, pinilit niya naman ako."

Napataas ang kilay ko.

Kahit kailan talaga, ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon!

"Anong sabi mo?" tanong ko kay Mikael. Biglang nag-init ang ulo ko. "Sumama ka naman?" hindi ko na talaga matago ang inis na nararamdaman ko.

"Like what I said, I told her I was busy, pero pinilit niya ako. She said she's my childhood friend," Mikael said.

Childhood friend my foot! Childhood friend, eh ang laki ng pagnanasa nung babaeng 'yon kay Mikael ko!

"Is she my childhood friend?" tanong ni Mikael sa akin.

I sighed and nodded. I even rolled my eyes.

Tumango-tango nalang din si Mikael bago nagpatuloy sa ginagawa niya. Tinitigan ko ang likod niya habang nagluluto. Kung nag-usap lang sila, bakit hanggang alas-dos? At bakit siya badtrip?

"Napahaba ba ang usapan niyo kaya umabot kayo ng 2 am?" tanong ko sakanya. Iniwas ko din ang tingin sakanya. I know I looked and sounded like a jealous wife, but hell! Bakit kasi hanggang alas dos?

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon