Chapter 28

184K 4.5K 508
                                    

"Ang aga-aga, nakasimangot ka, Mika." Kanina pa tanong ng tanong sa akin si Dale kung anong nangyari. Kanina ko pa din siya iniirapan. Hindi ba niya maintindihan na ayokong pag-usapan?

"Ano bang nangyari?" Tanong niya ulit sa akin. Muli, isang irap ang isinagot ko bago kumagat sa hawak kong sandwich. Napatingin naman ako kay Mikael.

Ayan na naman 'yang ngiti niyang nakakaloko. Kagabi pa siya ganyan at naiinis na ako.

Sinabi ko lang naman ang nasa isip ko, hindi na niya ako tinigilan sa pang-aasar niya.

At kagabi pa siya ngumingiti na alam mong ngiting pang-asar. Iniwas ko nalang ang tingin sakanya.

"Ano bang nangyari, Kerko?" Si Mikael naman ang tinanong ni Dale. Napailing nalang ako nang sabihin ni Mikael na ako ang tanungin niya.

"Mika..." Dale called me again. I glared at him. Bakit ba ang kulit ni Dale? Hindi ba talaga niya maintindihan na ayokong magsalita?

"Mika..."

"Ugh, Dale, are you that insensitive? Ayoko ngang magsalita, okay?" Naiinis na sabi ko sakanya. Natigilan naman si Dale at nilingon si Mikael.

And he's smiling again! Ugh!

"Stop smiling!" I hissed.

I love his smiles but right now, ugh... I just don't want to see it! Pakiramdam ko, inaasar talaga niya ako.

"Mikael, stop smiling, I am freaking serious!" Tinitigan ko siya pero hindi nawala ang ngiti niya kaya napailing nalang ako at tumayo na. "Okay, I'm out."

Naglakad ako palabas pero hinila naman ako ni Mikae at niyakap.

"God, you're so cute, Mikaela." Bulong niya habang yakap-yakap ako.

"You're not funny. Just let me go." Kumakalas ako sa pagyakap niya sa akin pero mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa akin.

"I don't want to," he muttered.

Nag-angat ako ng tingin sakanya. Nakangiti pa din siya pero hindi na 'yung smirk na nang-aasar ang nakikita ko.

"Umayos ka na kasi," ani ko dito. Magmula nang sinabi kong nadidistract ako sa nipples niya, inaasar na niya ako. I am happy he's being naughty and playful. Pero nahihiya ako!

"It's really okay with me if you're going to eye rape me every night. Hindi na ako magrereklamo." He smiled at me again.

"Mikael naman, eh!" Napasimangot na naman ako.

He laughed wholeheartedly and hugged me. "No, seriously, I can understand you, Mikaela. It's hard. Sleeping beside you, it's torturing me, for your information. But I need to control myself. I can just do you just like that. I need to remember everything first. You deserve the best."

Niyakap ko din siya bago ako nagsalita. "I don't want the best if it's not going to be you. I just want you, Mikael."

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "I am so damn lucky to have you." Ngumiti siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapangiti din.

'Yung inis ko mula pa kagabi, nawala nalang bigla. Hindi niya ako maalala, pero ganoong ganoon pa rin siya.

Matatag pa din ang pagkontrol sa sarili.

Iniyakap ko ang kamay ko sa leeg niya at ako na ang humila sakanya oara magdikit ang labi naming dalawa.

Naramdaman ko ang pagngiti niya habang magkalapat ang labi namin. Napangiti nalang din ako.

"Talagang ginawa niyo pa akong audience niyo, ano?" Narinig ko ang boses ni Dale. Mas napangiti naman ako. He snaked his arms around my waist before we faced Dale. Nakasimangot siya sa amin. "Ang laki ng problema niyong dalawa, no?"

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon