Chapter 68

179K 4.5K 710
                                    


--

"Mikael, chocolate cake or vanilla?" nakaupo ako sa may labas ng SD at nagtitingin-tingin sa mga cakes na sina-suggest nila Ate Steph at Cristine para sa kasal namin ni Mikael. Sila kasi 'yung nagprisinta na na sila ang gagawa ng cake, eh. Hindi naman kami tumutol ni Mikael dahil na din sa pamimilit ni Ate Cristine. Nagbigay din sila ng sample sa amin ng pwedeng cupcakes na pwedeng ipamigay sa kasal namin.

Tinignan ko si Mikael na nakakunot ang noo habang hawak-hawak ang kamay kong may singsing. Nilalaro-laro niya din ang singsing sa daliri ko. Tila malalim ang iniisip.

"Mikael?" tawag ko ulit sakanya. Tila wala naman siyang naririnig dahil ni hindi man lang niya ako nilingon. Nakatingin lang siya sa may kamay ko.

"Kerko Mikael..." untag kong muli. Pero hindi pa din niya ako narinig. Hindi ko mapigilang mapabuga ng hangin.

"Ang gwapo ni Justin Bieber, parang ang sarap pakasalan..." I rolled my eyes.

"What?" nag-angat siya ng tingin sa akin. Kunot na kunot ang noo niya. "You'll marry Justin Bieber?" tanong niya sa akin. "Isn't this ring enough proof that you're mine?" dagdag pa niyang tanong sa akin at itinaas pa ang kamay kong may suot na singsing. "Nagkita ba kayo ng Justin Bieber na 'yan sa New York? What? You're friends with him and now--"

"Mikael, stop..." saway ko sakanya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Tinitigan niya ako. "Mas matagal mo akong kilala kesa 'don, anong magugustuhan mo 'don?" ani pa ni Mikael.

Napailing nalang ako. "Anong sinasabi mo diyan?" pinisil ko ang ilong niya. "Nababaliw ka na naman.
Kanina pa kasi ako tawag ng tawag sa'yo, hindi mo ako pinapansin. Kailangan magbabanggit pa ako ng pangalan ng ibang lalaki para lang lumingon ka at--"

"Is he your friend?" putol niya sa sinasabi ko. This time, it's my turn to frowned. "Who? Sinong kaibigan ko?" tanong ko sakanya.

"Justin Bieber."

Hindi ko napigilang mapahalakhak dahil sa sinabi niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang tawa ako ng tawa.

"Wala akong sinabing joke, Ai..." masungit na sabi niya sa akin. Halos mangiyak-ngiyak naman ako sa kakatawa.

"Ai..." tawag niya sa akin.

"Wait..." sabi ko habang tawa ng tawa. "Wait lang..." hindi ko talaga mapigilan ang pagtawa. I wiped the corner of my eyes. Kahit 'yung mga costumers na nasa labas ng SD, nakatingin na sa amin ni Mikael dahil hindi matapos-tapos ang pagtawa ko.

Damn! He's really cute when he's jealous. Pati ba naman kay Justin Bieber? Seriously?

"Mikaela Michelle, stop laughing..." saway niya sa akin.

Hindi ko pa din mapigilan ang pagtawa. He looked away. Parang gusto na ata akong ikahiya ni Mikael na kasama niya ako dito.

"Kasi naman..." hinawakan ko ang kamay niya. "Ang baliw mo, Superman," pinisil ko ang kamay niya. "Hindi ko friend si JB, okay? And... I am very much in love with someone. Pakilala ba kita sakanya, gusto mo?" tanong ko ulit sakanya.

"Tss..." nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Okay lang kiligin, Mikael. Wag ka na mahiya sa akin. Okay lang talaga..." natatawang pang-aasar ko sakanya.

"Ewan ko sa'yo," masungit na sabi niya pa din pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Namumula ng bahagya ang tainga niya.

"Ba't ba kasi tulala ka? May iba kang iniisip, ano?" tinaasan ko siya ng kilay. "Subukan mo lang, Mikael..." nilingon ko ang well na nasa likod namin. "Nakikita mo 'yang well na 'yan?" tanong ko sakanya. Nilingon niya din ito. "Anong meron diyan?" balik-tanong niya sa akin.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon