Chapter 57

166K 4.1K 282
                                    



--

"Mika, how's Paulo?" tanong ni Mommy sa akin habang nag-aalmusal kaming dalawa. Uminom naman muna ako ng mango juice bago ako tumingin sakanya at humugot ng malalim na hininga.

"Mommy, hindi ako ang nanay ni Paulo. Malay ko kung kamusta na ba siya," sagot ko bago nagpatuloy sa pagkain.

"I'm serious, hija..." my mom said. I mentally rolled my eyes. Where is Theon ba kasi? Dapat dinadala nila Kuya Thunder at Ate Rain dito 'yon para may ibang nakikita si Mommy, eh. Ilang buwan pa kasi bago lumabas 'yung kambal nila Kuya Hunter kaya ako na naman tuloy ang nakita ni Mommy dito. Hindi nga ako dapat sasalo sa almusal sakanya dahil alam ko na ganito ang mangyayari pero wala naman akong nagawa dahil si Mommy mismo ang gumising sa akin.

"Mommy, busy 'yon. Doctor si Paulo, eh. Madaming inaasikaso," sabi ko ulit bago kumuha ng hotdog at inilagay iyon sa plato ko.

"You look good together," ani Mommy sa akin habang nakangiti.

Here we go again. Mula nang ipinakilala niya sa akin si Paulo, lagi na niyang sinasabing bagay kaming dalawa.

Nagfocus ako sa pagkain ng hotdog na nasa plato ko habang si Mommy, patuloy ang pagsasalita.

"Kasal na ang dalawang kapatid mo, Mika..." sabi niya pa sa akin.

Nag-angat ako ng tingin. "I know, Mommy. I was there..." sabi ko naman sakanya.

Napailing nalang siya sa akin bago kinuha ang kape niya at uminom. "I'm not rushing you, Mika. Pero... what's your plan?" tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat ako. "Nasabi ko na kay Kuya 'yung flower shop na business na sinasabi ko. He said, pag-aaralan niya, eh..." Iyon pa din ang malinaw na plano na mayroon ako since hindi naman na ako nakapag-enroll for 2nd sem. Sayang 'yon. Graduating na sana ako ngayon... pero mas okay na din 'yon. Ayoko na kasing idawit ulit ang buhay ko sa mga buhay ng mga taong pinagkatiwalaan ko pero sinayang lang. Nakakaloko, eh.

"I was talking about Paulo, hija..." she said while sipping her coffee.

Napasimangot ako. "Binubugaw mo ba ako, Mommy?" tanong ko na halos nagpabuga ng kape na iniinom ni Mommy. "What are you saying?" pinanlakihan pa niya ako ng mata.

Ngumiti ako. "I was just kidding, okay?" sabi ko. "Kakakilala pa lang namin ni Paulo, Mommy. Wala naman siyang sinabing gusto niya ako o ano... and besides, si Mikael..." natigilan ako nang tumaas ang isang kilay ni Mommy sa akin.

"He's what?" tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin.

"You're dating him again?" tanong sa akin ni Mommy.

"No," sagot ko. And that was the truth. Hindi naman kami nagdedate ni Mikael, eh. We were hanging out, yes. Pero laging kasama sila Cielo, Maha o kaya naman si Dale. Hindi 'yung kaming dalawa lang.

"Lagi na naman kayong magkasama..." sabi pa niya sa akin.

"We're friends, Mommy..." kibit-balikat kong sagot sakanya. I hate talking about my relationship with Mikael now. Ayokong inuungkat nila. I'm taking it slowly. Ayokong madaliin kung saan kami hahantong na dalawa. We were starting again.

"You still love him," sabi ni Mommy. It wasn't a question that needs an answer. It was a statement.

"Mommy..." I sighed. I know many would say, bakit ba hindi nalang ako lumayo kung gusto ko talagang kalimutan si Mikael. Kung gusto ko talagang makapagmove on na. Kahit ako napagod na tanungin ang sarili ko sa bagay na iyon. Napagod na akong hanapin 'yung sagot na una pa lang naman, alam ko na. Mahal ko pa din si Mikael. Pero hindi dahil mahal ko siya, magiging ganoon kasimple ang lahat.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon