Chapter 9

167K 4.6K 495
                                    


Go and grab a tissue. Jk.

--

Nagpunta kaming dalawa ni Hugh kay Mikael dala ang bulaklak na binili ko. He actually doesn't want us to buy a flowers but I insisted. Kailangan ko na din palitan ang bulaklak ni Mikael.

Nakasunod sa akin si Hugh nang lapitan ko si Mikael. Inililibot niya ang paningin sa paligid. Pinabayaan ko na muna siya at inilagay ang dala kong bulaklak bago kinuha ang dati na itatapon ko na mamaya.

"Mikaela, magpapahangin lang ako." Paalam ni Hugh sa akin. Kumunot ang noo ko. Kanina ko pa napapansin na parang medyo balisa si Hugh. I can't ask him what's the problem. Ayokong magmukhang nakikialam ako. Baka personal ang problema niya.

Pinabayaan ko nalang siya at pinagmasdan habang naglalakad palayo.

"Hi, Superman." Bati ko kay Mikael. Habang inaayos ko na ang mga bulaklak. "How are you? Okay ka lang ba?" I smiled a little. "Alam mo, namimiss na kita." Umupo na ako at nilaro-laro ang keychain ni Mikael na nasa akin. "Alam mo, ang dami nang nagbago." I started. "Pero 'yung feelings ko, ganon pa din. Mahal na mahal pa din kita." Sinubukan kong pigilan ang luha ko pero hindi ko kaya. Tila may sarili itong buhay at kusa nalang pumapatak mula sa mga mata ko.

Sa tuwing kakausapin ko si Mikael, pakiramdam ko, nasa paligid lang siya at gusto niya akong yakapin pero 'di niya magawa. Na oarang binabantayan niya ako. Pakiramdam ko, kasama ko siya.

"Alam mo ba, ikakasal na si Kuya Thunder." Napangiti ako habang umiiyak. "Tayo dapat muna e." Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "Tayo dapat muna 'yon, diba? Kasi mas nauna kang nagpropose." Pinunasan ko ang pisngi ko at kinuha mula sa bag ko ang panyong ibinigay ni Mikael noon sa akin.

"Kaso, madaya ka. Pinaasa mo akong magiging Anderson ako." Sunod-sunod na naman ang naging pagluha ko. Kagat kagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatingin ako sa panyo.

Mikael... miss na miss na naman kita. Gustong gusto kong maramdaman 'yung yakap mo. 'Yung pagsasabi mo na mahal mo ako. 'Yung pagpapakita mo na ako ang pinakamagandang bagay na nangyari sa'yo.

Humigpit ang hawak ko sa panyo at keychain niya. Karamihan sa gamit niya, ako lang ang pwedeng gumalaw. His car's on his house. Kinuha ko ang keychain at dala ko ito kahit saan ako magpunta. His favorite camera... I wanted to take it, pero iniwan ko 'yon sa kwarto niya sa bahay niya. Para kapag nandon ako, I can still feel him. Minsan, sa bahay ni Mikael ako umuuwi.

Hindi iilang beses akong nanaginip na nandoon si Mikael, kasama ko. And it felt so real. Pero tuwing gigising ako, malalaman kong panagip lang ang lahat. Hindi iilang beses kong nahiling na sana... sana dalawa nalang kami. Hindi 'yung ganito. Mag-isa lang ako.

"Mikael, alam mo ba kung bakit ako bumalik noon agad?" Ngumiti ako ng malungkot. "Kasi kahit pala hindi ko aminin sa sarili ko na mahal pa din kita, 'yung puso ko, ikaw lang 'yung gustong makasama." Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha. Mabuti nalang at walang ibang tao dito at walang nakakakita sa akin. May ilang dumadaan pero balewala lang naman.

"Sana hindi nalang kita pinagtabuyan noon. Sana noong lumalapit ka, hindi kita tinulak palayo..." halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil nagbabara na din ang ilong ko sa pag-iyak. "Sana mas matagal pa kitang nakasama."

"Alam mo, sabi nila, perfect match tayo. Sabi ko, hindi. Kasi sabi mo noon, you're not the perfect one for me. You're the right one. So, right match tayo dapat, diba?" I tried to crack a joke but end up sobbing again. I missed him so much.

I hugged my knees and continue crying. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na naging okay ang operasyon ko noon at mas humaba ang buhay ko, o mapapamura nalang ako na andito nga ako... si Mikael naman ang wala.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon