Chapter 12

160K 4.6K 536
                                    

Watch out for Unwanted Girlfriend on TV5 Wattpad Presents. :)

--

Nagising ako nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone kong nakatulugan ko pala sa tabi ko. an Tinignan ko naman agad ang dahilan ng pagvibrate nito.

10 missed calls from Ate Steph. Agad nangunot ang noo ko. Anong meron?

Bumangon na ako at nag-inat bago ko tinignan ang messages ko. Napahinga ako ng malalim nang makita kong almost 200 na pala ang unread messages ko. I just scanned my new messages. Hugh greeted me good morning. Si Cielo ay nag-aaya namang lumabas. Si Dale, pinapapunta akong studio. May mga unknown numbers na hindi ko na pinagkaabalahang basahin.

I dialed Ate Steph's number. Hindi ko kasi alam kung bakit siya tumawag. Hindi naman kami close na close as in super for her to call me.

Naghihikab pa ako nang sagutin niya ang tawag ko.

"Mika, where are you?" she asked me. Mas kumunot naman ang noo ko.

"Good morning, too, Ate. Nasa bahay pa. Why?" Bumangon ako at inipit ang cellphone sa pagitan ng tainga at balikat ko habang inaayos ang pinaghigaan ko. Late na akong nakauwi mula sa bahay ni Hugh.

Hugh...

Hindi ko napigilan ang pagmumura. Last night's a mistake!

I kissed him.

I know, hindi dapat nangyari 'yon. Hindi dapat ako nagpadala sa nararamdaman ko.

"Damn!"

Napaupo akong muli sa kama nang maalala ang kagagahang ginawa ko. I'm sure, if Mikael's here, he'll berate me forever!

"Mika? Are you still there?" boses ni Ate Steph ang nagpaalis ng kung ano-anong iniisip ko.

"Y-yes, Ate. I'm still here." I cleared my throat. "Bakit mo pala ako hinahanap?" tanong ko dito. Ini-loudspeaker ko muna ang phone ko habang naghihilamos ako.

"Papunta kasi kami sa studio ni Kerko. I'm just wondering kung pwede mo kaming samahan doon."

Natigilan ako sa sinabi niya. "Anong gagawin mo 'dun?"

Well, for the record, hindi naman na ako nagseselos kay Ate Steph... pero bakit kailangan niyang magpunta sa studio ni Mikael?

"Si Cloud kasi, kinukuhang endorser ng kid's apparell. I heard na staffs ni Kerko ang gagawa ng photo shoot. Para din may kasama ako."

"Ah..."

Kunsabagay, 'yung personal studio lang naman ni Mikael ang hindi ginagalaw. Same with his office. Pero doon pa din sila nagcoconduct ng photoshoot.

"So, pwede ka bang magpunta dito?" tanong niya sa akin.

Ilang buwan na din ang nakalipas mula nang magpunta ako doon. Ibinabaling ko sa iba atensyon ko para hindi ko maramdaman na wala siya.

Noon, mas gusto kong nasasaktan para alam kong totoo si Mikael. Now... I don't want to feel that anymore. Ayokong sa tuwing maiisip ko siya, masasaktan ako. We had lots of happy moments. Mas gusto kong alalahanin iyon.

"Yeah, maliligo lang ako and I'll go there." Huminga ako ng malalim. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ko na ang tawag. Tinignan ko muna ang repleksyon ko sa salamin bago pilit na ngumiti.

"It's Mikael's place. Isipin mo nalang lahat ng happy memories niyo, Mikaela."

Ipinikit ko ng mariin ang mata bago nagpatuloy na maligo.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon