Chapter 21

154K 4K 833
                                    

Small details, yet malaking bagay sa story. :) Try to back read, loves. Marerealize niyo ang nangyari kapag nagbackread kayo. :) Marerealize niyo na INAKALA niyo lang ang lahat at NEVER KONG BINANGGIT ANG SALITANG SEMENTERYO. <3

The story's just starting. Mas gugulo pa ang isip niyo... I guess. It's still your decision kung tutuloy pa kayo o hindi na. :) Salamat!

--

"Who are you?" Tanong muli sa akin ni Mikael.

Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya sa akin.

Hindi ko magalaw ang kahit na anong parte sa katawan ko. Kahit na gustuhin ko, hindi nakikicooperate ang katawan ko. Parang akong naparalisa.

"Mikael..." Bumibigat ang bawat paghinga ko.

"Is that my name?" Tanong ulit sa akin ni Mikael habang nakatitig sa akin. "Miss, are you okay?" Nag-aalalang sabi ni Mikael sa akin.

Matagal ng wala ang benda sa ulo niya kaya mas natititigan ko ang mukha niya. Pilit kong hinahanap ang pagkukunwari sakanya. Pilit kong iwinawaksi sa isip ko na totoo 'to. Nagbibiro lang siya. Nagbibiro lang si Mikael.

"Mikael, it's not funny..." pinilit kong tumawa pero hikbi ang narinig ko mula sa sarili ko. "Come on, two years kang na-coma tapos sasabihan mo ako ng kung sino ako? Is that your way of saying I love you? Or I miss you? It's not funny." Nanginginig ang kamay ko. Nanlalambot ang tuhod ko. Pilit akong ngumiti sakanya na alam kong hindi ko nagawa. "Come on, alam kong namiss mo ako pero huwag ka namang ganyan."

Kumunot naman ang noo niya sa akin. "Sorry, Miss. I'm not bluffing. I don't really know you." Tinitigan niya ako ng matagal.

Nag-unahan na sa pagpatak ang luha ko.

"Mikael..." basag ang tinig akong pumikit at pinilit lumakad papunta sakanya. Huminga ako ng malalim. "Ako 'to. Si Mikaela mo." Hahawakan ko sana ang kamay niya pero agad niyang iniiwas. Para akong sinampal sa ginawa niya.

Umiling siya sa akin. "Hindi kita kilala..."

Pakiramdam ko, paulit-ulit akong sinasaksak sa tuwing sasabihin niyang hindi niya ako kilala. Para akong pinapatay.

Pero pinipilit kong tatagan ang sarili ko. May mali dito, eh. Hindi pwedeng makalimutan ako ni Mikael. Hindi pwedeng ganun.

"No... hindi pwede. Hindi mo ako pwedeng makalimutan." Nagtuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko. "Mikael..."

"Sorry, hindi talaga kita kilala." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Bakit ba ako nandito? Ano bang nangyari sa akin?"

Sakto namang pumasok ang nurse para i-check ang kalagayan ni Mikael.

"Gising na po pala kayo, Sir." Ani ng nurse bago napatingin sa akin. Natigilan siya nang makita niya akong umiiyak. "Ms. Mika, okay lang po ba kayo?" Tanong niya sa akin.

"Pakitawag si Doc, please..." humihikbing pakiusap ko sa nurse. Tinitigan ko si Mikael. Wala siyang reaction sa akin. Naguguluhan siguro siya sa nangyayari. Ako din. Ako din, gulong-gulo! Hindi ganyan si Mikael ko, eh. Hindi niya ako pwedeng kalimutan.

Mabigat ang kalooban akong lumabas muna. Ayokong makita niya akong ganito. Ayokong umiyak nang umiyak sa harap ni Mikael. Kaya paglabas ko ng pinto, lahat ng pinipigilan kong emosyon, hindi ko na nakayanan. Bumigay din ako.

"Bakit hindi mo ako maalala?" Nakatayo ako sa labas ng kwarto niya at nakatingin kay Mikael na naiwan sa loob.

Ang akala ko kapag nagising na siya, magiging maayos na ang lahat. Magiging masaya na ako ulit.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon