Chapter 42

142K 4K 910
                                    

Pakiusap daw ni Kerko na huwag namang hilingin na mamatay nalang si Mika. Put the blame on him daw. Okay? ^_^

#MiLaaaaan. :P

--

Paggising ko kinabukasan, ang hindi pamilyar na kwarto agad ang bumungad sa akin. The coldness of the room makes me sick even more. Pakiramdam ko, hindi ako para dito... pero wala naman akong choice...

Off white na kulay ng pader na may kung ano-anong abstract paintings na nakasabit. There was a picture of me, too. Alam ko na may larawan ko ang kwarto na 'to. I used to sleep here before...

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto.

Walang glowing stars na nasa pader at nasa kisame...

Walang strawberry printed stuffs sa paligid...

Wala 'yung strawberry pillows ko na kadalasang nagkalat kapag nagigising ako sa umaga...

Wala si MM sa tabi ko...

Wala si Mikael...

Huminga ako ng malalim bago ko pinilit bumangon. Sobrang masakit ang ulo at mata ko. Mahapdi din ito dahil sa walang humpay na pag-iyak ko kagabi kaya naman minabuti kong ipikit muna ulit ang mata ko at ipatong ang braso ko dito.

Naalala ko ang nangyari kagabi...

He broke up with me again...

Hindi nawawala 'yung sakit na nararamdaman ko. Hindi naalis ng pagtulog ko 'yung kirot. Hanggang ngayon damang dama ko pa rin ang sakit sa mga sinabi niya sa akin.

Hindi niya na daw ako mahal.

Ganoon kasimple.

Ganoon kasimple sakanya ang lahat.

Sumandal ako sa headboard ng kama bago ko pinagmasdan ang singsing na nasa kamay ko pa din.

"Hindi ako naniniwala sa sinabi mo, Mikael..." nag-init ang sulok ng mga mata ko. Alam ko, alam ko may dahilan siya, eh.

Pero ang sakit sakit, eh.

Ang sakit sakit na.

Bakit ba parang napakadali sa kanyang saktan ako habang wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin lang siya? Bakit napakadali sakanya na itapon lahat ng pinagsamahan naming dalawa habang ako, abalang-abalang dagdagan ang mga ala-ala naming dalawa? Kahit na talaga anong gawin ko, kulang pa din? Hindi pa din sapat para hindi niya ako itulak palayo?

Tinanggal ko ang singsing sa kamay ko at tinitigan ito.

Should I give this back?

Ibabalik ko na ba sakanya 'yung isa sa mga bagay na pinanghawakan ko na babalik siya noong comatose pa siya?

'Yung isang bagay na nagpaniwala sa akin na mahal niya ako... na kaming dalawa hanggang sa huli?

Napalingon ako sa pinto nang pumasok si Lance na may bitbit na tray na may nakalagay na pagkain. Agad kong isinuot muli ang singsing at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Hey, umiiyak ka na naman ba?" tanong niya sa akin nang makalapit siya. Inilapag niya ang hawak at umupo sa may gilid ng kama.

Hindi ako sumagot kay Lance.

Napailing nalang siya bago inabot sa akin ang isang cellphone.

"What's this?" tanong ko nang abuti ko ito mula sakanya.

"Seriously, Mika? Hindi mo na alam ang itsura ng cellphone ngayon?" kunot noong sabi ni Lance sa akin. Tinitigan ko naman siya ng masama. "Just kidding, I'm just trying to make you smile," ngumiti siya sa akin.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon