Chapter 60

182K 4.6K 516
                                    

Twitter/askfm/IG --> @vampiremims
FB group --> Vampiremims Stories

--

May dalawang linggo na simula noong nag-umpisa ang "deal" namin ni Mikael. Isang linggo na din akong abala dahil sa pagtulong kay Mommy sa pagdedecorate ng bahay para sa pasko kahit na may kulang tatlong buwan pa naman bago ang pasko. Masyado lang talagang mahaba ang pasko sa Pilipinas dahil kapag nagsimula na ang bermonths, pakiramdam nila, pasko na. Kung saan-saan niya din ako isinasama para mamili ng mga bagong gamit. It's not really necessary, actually.

At lagi din naming kasama si Paulo kaya naman halatang-halata naman si Mommy sa pagpapair sa aming dalawa ni Paulo.

Bakit ba kasi kailangang magpunta ni Mikael sa Davao ngayon? Ang layo naman kasi ng photoshoot doon. Tapos dalawang linggo pa sila doon.

At kasama pa nila si Julia.

Mas napasimangot tuloy ako habang nagtitingin sa facebook. Wala naman akong makitang interesting masyado. Maliban sa magbabarkadang kumain sa McDo na may dalang kaldero ng kanin at sa kung ano-anong covers ng kanta. 'Yung iba may talent talaga, 'yung iba papansin lang naman.

I made my account more private. Ayoko na kasing maulit 'yung dati na para akong may stalker... sa katauhan ni Camilla, of course. Kahit nga ang twitter at IG ko, nakaprivate na.

Iniisip ko kung isi-search ko ba si Julia sa facebook. Mikael told me her last name was Concepcion. Madali ko lang siguro siyang mahahanap kung mutual friend namin siya ni Mikael.

Pero paano kung may makita naman akong hindi maganda sa facebook ni Julia? I mean, kapag inistalk ko ang account niya? Paano kapag nakita ko na may pictures siya kasama si Mikael at sweet sila? Eh di nainis lang ako.

Naiinis na isinara ko nalang ang laptop ko. Bakit ko ba gagawin ang isang bagay na alam kong masasaktan lang ako? Kung pwede ko namang pigilan?

Sana ganoon kasimpleng desisyunan ang lahat. Sana kapag sinabi mong ayaw mo nang mahalin ang isang tao, kahit anong mangyari, hindi mo na siya mamahalin. Pero hindi, eh. Hindi kasi madaling alisin 'yung feelings. It wasn't like a switch that you can turn on and off whenever you are pleased to do so.

Mahirap pigilan ang feelings.

The more you deny it, the more na mas mahuhulog ka lang. Mas matatanim mo sa puso mo. The more na pipigilan mo, mas titindi lang ang nararamdaman mo.

Napalingon ako sa phone kong nasa may lamesa nang magring ito. It was Mikael.

Agad akong napatingin kay Kuya Thunder na kausap si Paulo ngayon dahil tumutulong sila sa pag-dedecorate ng bahay. Hindi ko tuloy malaman kung may balak bang gawing malaking Christmas tree ng Mommy ko ang bahay namin. Besides, halos tatlong buwan nalang din, manganganak na si Ate Zyline. Gusto ba talaga ni Mommy na salubungin ang kambal na puno ng Christmas balls 'tong bahay namin?

I picked up my phone and went out. Ayoko naman kasing marinig nila kung sino ang kausap ko. Ayaw pa din nila kay Mikael higit lalo ngayon kaya ayoko na munang makadagdag sa mga iniisip nila dahil kung tutuusin, hindi na ako dapat maging pabigat sakanila.

May mga sarili na silang pamilya at sa totoo lang, naiinggit ako sakanila. Gusto ko din magkaanak. Gusto kong maranasan maging nanay kahit pa nga sinabi ni Ate Rain sa akin noon na mahirap manganak. Sabi niya, para siyang mamamatay noon... pero kung kinaya nila, kakayanin ko din naman sigurong manganak.

Pero kasal muna, siyempre. Ayokong manganak na Dela Cruz pa din ang last name ko.

"Ai," he called me.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon