Chapter 64

161K 4.1K 414
                                    

14-15 chaps pa. Fuuuudge. I don't want this to end. Huhu. Kbye.

Twitter/askfm/IG - @vampiremims

--

Like what we promised to Niña, nasa ospital kami kinabukasan para samahan siya sa operasyon niya. Maaga akong sinundo nila Cielo para sabay-sabay kaming magpunta sa ospital.

None of us were talking. They asked me last night about what happened between me and Mikael, I said nothing. Kahit kanina'y tinanong nila ako pero hindi ako nagsalita. I just said I don't want to talk about it.

Kasi magulo ang sitwasyon, eh. We're owning each other yet, wala kaming label. Isa lang naman ang solusyon dito, eh. Sagutin ko siya. Para maging kaming dalawa na ulit. Para wala ng sagabal ulit.

Pero ganoon na ba kadali ang lahat?

Never ko namang itinanggi ang pagmamahal ko para kay Mikael, eh. Pero gusto ko lang talagang maging maayos ngayon. Damn, I think nagmamature naman ako at some point, in some ways pero... ang babae kasi talaga, likas na selosa. At isa pa, kung alam ng babaeng kanya, ayaw na ayaw niyang nakikitang may ibang nagtatangka.

I looked at my bracelet. Hindi ko hinubad ang binigay niyang regalo kagabi. It was a constant reminder of his words last night.

"I'll fix everything and we'll be happy again. Just you and I."

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagdedecorate ng kwarto ni Niña. Nasa operating room na siya ngayon kasama si Paulo. Tatlong doctor pa ang kasama ni Paulo sa pag-oopera kay Niña kaya naman nagtitiwala akong magagawa nila ng maayos ang lahat. I am praying that everything will be fine.

"Mika..." untag ni Cielo sa akin. Tatlo lang kami nila Maha na nasa loob ng kwarto dahil nasa chapel ang pamilya ni Niña at nagdarasal para sa bata.

Lumingon ako sakanya.

"Paano kung... paano kung 'di maging successful ang operation?" tanong ni Cielo sa akin. Tumigil din si Maha sa ginagawa nitong pagdidikit ng letterings sa may ibabaw ng kama ni Niña at nilingon ako.

Hindi ako agad nagsalita. Pero sinalakay ng takot ang dibdib ko. Of course, that's possible. 'Yung hindi magsusurvive ang pasyente... lalo na kung hindi tatanggapin ng katawan ni Niña ang bagong puso na ibibigay sakanya.

But I am hoping for the best.

"Makakasurvive siya..." halos walang lakas ng boses kong sabi. Kahit ako, damang walang kasiguraduhan ang pagkakasabi ko ng mga salitang iyon. "Makakasurvive si Niña..." ulit ko. She's too young to suffer. Dapat sa katulad niya, nag-eenjoy. Nakikipaglaro sa mga batang kaedad niya. Hindi ganito. Hindi nahihirapan ng ganito.

Alam ko ang pakiramdam niya. Nakulong din ako ng sakit ko noong bata ako. Kaya dapat makasurvive si Niña. Kailangan niyang makasurvive.

Huminga ako ng malalim bago ko muling inabala ang sarili ko sa pag-aayos ng gamit sa loob ng kwarto. Kung matapos naman ang operation, hindi pa agad babalik si Niña sa kwartong iyon kaya mas may oras pa kaming ayusin iyon. May oras pa kaming paghandaan ang pagbabalik ni Niña.

I was busy decorating the room when someone grabbed my waist and pulled me closer.

"What the fu--Mikael?" kumunot ang noo ko nang lingunin ko ang humila sa akin at nakita kong naroon si Mikael. "What are you doing here?" tanong ko sakanya bago ako humarap ng tuluyan.

He shrugged and hugged me. "Cielo told me you're here. Hindi mo binanggit na ngayon ooperahan si Niña..." bulong niya sa akin.

Kilala din ni Mikael si Niña dahil kinukwento ko ang bata dito. Pero hindi pa niya ito nakikita dahil hindi ko naman isinasama si Mikael dito sa ospital.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon