Prologue

555K 6.3K 1.3K
                                    


“Alam niyo, ang praning niyo… I’m fine, really…” I tried to smile at Maha, Cielo and Lance. Hinatid pa nila akong tatlo sa university kung saan ako nag-aaral. Start na ulit ng bagong year and I badly need to cope up with the subjects I missed. Since irregular ako, I need to study hard. Mas bata pa sa akin ang mga classmates ko and it’s a bit awkward. I am 21 years old, turning 22, actually, tapos ang mga classmates ko, 19 ata… 3rd year naman na ako so, medyo matured na sila. The perks of being a Dela Cruz, nagawan ng paraan ng kuya ko para pumayag ang president ng university na mag-exam nalang ako para hindi na ako maghirap sa 1st and 2nd year since konting subjects lang ang kailangan ko ‘dun.

“Mikaela, hindi mo naman kami masisisi kung babantayan ka namin, diba? You nearly killed yourself last month!” eksaheradang tugon ni Cielo sa akin. Napangiti naman ako. “I wasn’t trying to kill myself, okay? Kasalanan ko bang nagcramps ako?” I laughed.

Last month, naisip namin na mag-beach. Actually, ayokong sumama ‘nun, I want to stay home and just think of him… my other half, kaso, mapilit silang dalawa kaya labag man sa kalooban ko, sumama na ako.

“That’s your fault in the first place, Cielo. Ayaw sumama ni Miel, pinilit mo.” Lance scoffed.

Here we go again. Hindi na talaga nagkasundo ang dalawang ‘to. I rolled my eyes. Nagkatinginan naman kami ni Maha at napangiti. Iniisip ni Maha na may gusto si Cielo kay Lance dahil minsan, kahit wala namang ginagawa si Lance lagi pa ding napapansin ni Cielo.

“Excuse me, Edwardo… sinisisi mo ba ako?” nakataas ang kilay na tanong ni Cielo dito.

“Isn’t that obvious?” Lance smirked at her.

“Tama na nga kayong dalawa. Mamaya, kayo pa magkatuluyan e.” Maha teased them. Natawa naman ako.

“Hoy, Maha! Knock on wood nga. Kadiri no! Baka mamaya may sakit na ‘yang lalaki na ‘yan dahil lahat ng babae, naikama na niya.” Hinampas ni Cielo si Maha. Nasabi ko bang sadista si Cielo? Well, she is. Mapanakit ‘yang babae na ‘yan. Mapa-pisikal man o salita. Taklesa kasi. But I love her nevertheless. Minsan nga aambahan mo pa lang na papaluin mo siya, napalo ka na niya e. Ganun siya kabrutal. Kaya kawawa magiging boyfriend niya… gusto ko na atang maawa kay Lance.

“Wow, Cielo. Makapagsalita kang naikama ko na lahat ng babae. Bakit naikama na ba kita?” Lance scoffed. “At wala akong balak patulan ka, mahiya ka naman. I’m still in love with my ex girlfriend, just so you know.”

Napailing nalang ako. Hindi talaga matatapos ang bangayan ng dalawang ‘to.

“Anong oras ba klase mo, Sis?” tanong ni Maha sa akin.

“Well, orientation pa lang naman ngayon e, so baka wala ang ibang prof.” I shrugged.

“Kasipagan 101.” Cielo glares at me. “Bumaba ka na nga para makapasok ka na. Call us, okay?” pinagtulakan niya ako pababa pero nagsibaban din naman sila ng makababa ako.

“Para talaga kayong sira. Hindi naman ako grade 2 na kailangan ihatid.” I smiled at them.

“Utak grade 2 ka naman e, ayos lang ‘yan,” Cielo grinned at me. I looked at her, poker faced. “I hate you.”

“I love you, too.” Cielo smiled.

“Sige na. Papasok na ako. Ingat kayo ha?” I hugged them one by one.

“Kung kakalimutan mo si Kerko, huwag ka na maghanap ng iba ha? Andito lang ako.” Lance whispered in my ear when I hugged him.

“Baliw ka talaga. Wala akong ibang mamahalin bukod sakanya.” I smiled.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon