Chapter 19

164K 3.8K 1.1K
                                    

Last day na ng anniversary ng school ngayon. Ngayon din magpeperform ang Amaranth kaya naman excited akong pumasok ng school. Napansin marahil ni Yaya Lourdes ang kasiglahan ko habang nag-aalmusal ako.

Sa mga nakalipas na araw, wala na kaming ibang ginawa ni Hugh kung hindi magpakalat-kalat sa campus at itry ang iba't ibang booth's maliban sa wedding booth. Hindi ko lang talaga trip. Ewan ko ba, iba ang tama sa akin ng kasal, eh.

Noong 2nd day ng anniversary ng school, si Clyde, Rui at Adrian ay halos nagpabalik-balik sa blind date booth. Hindi naman napilit ng mga marshalls si Fall na sumama sakanila habang kami naman ni Hugh, sa roof top nakatambay para iwas sa mga kung ano-anong pakulo ng mga estudyante doon. Pinanuod lang namin sila sa itaas.

Noong 3rd day, halos isumpa ako ni Rui nang ayain ko siya sa isang booth. Ako ang pinakiusapan ni Clyde dahil alam nilang hindi maniniwala si Rui sakanila. Matapos ko siyang i-blind fold, dinala ko siya sa horror house na pakulo ng mga taga-engineering. Si Clyde na ang nagpasok sa loob kay Rui at hindi matapos-tapos ang pagtawa namin paglabas ni Rui na sobrang namumutla. Halos isang oras din akong hindi kinibo ni Rui noon. Pero nagkabati kami nang bigyan ko siya ng stick-o.

Kahapon naman, nagkaroon ng beauty contest noong gabi. Hindi ko maiwasang mapailing nang makita kong kasali si Ivy. Well, of course. Isa sa mga prize ang makaka-dinner ang isang member ng Amaranth. Pero hindi si Ivy ang nanalo. At hindi si Hugh ang pinili ng nanalo, si Adrian ang gusto niya, eh.

"Ano-ano bang activities niyo ngayon, Mika?" Tanong sa akin ni Yaya Lourdes. Naglagay muna ako ng kanin sa plato ko bago sumagot. "Same lang, Yaya. Pero mamayang gabi kasi tutugtog sila Hugh." Ngumiti ako sakanya.

Hindi ko alam kung ano bang piyesa nila ngayon dahil hindi ako pinapasama ni Hugh kapag nagpapractice sila. Gusto daw niya akong isurprise.

Well, hindi lang siya ang may surprise.

Ako din.

"Oh, bakit pala hindi mo suot ang kwintas mo ngayon?" Tanong sa akin ni Yaya nang mapansin niyang hawak ko anh leeg ko. "Nawala ba? Saan? Ipapahanap ko."

Umiling ako. "No, yaya. Nasa kwarto ko po." Ngumiti ako sakanya. "Sinusunod ko lang naman ang payo niyo. Give myself a chance."

"Mika..." kumunot ang noo ni Yaya sa akin. Tumayo naman ako at niyakap siya. "Mikael will always be Mikael, yaya. Siya pa din ang may pinakamalaking puwang sa puso ko. Mananatili siya doon." Huminga ako ng malalim. "Pero, gusto ko din sumaya, eh. I'm sure, he'll understand. Sabi mo nga, ayaw niyang nalulungkot ako."

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin. "Mahal ka ni Kerko. Gusto niyang masaya ka lagi."

"I know. And I love him, too. Mananatili ko siyang mahal." Nginitian ko si Yaya bago umupo ulit at kumain.

He'll always be a part of me. Laging kakambal ni Mikaela si Mikael. Hanggang ngayon naman, may alinlangan pa sa akin pero... Hugh's making me happy. Hugh's making me feel alive. Hugh's making feel that I am loved.

Matapos kong kumain at magpaalam kay Mommy, umalis na ako. Bumalik na kasi sila Kuya Thunder sa bahay nila dahil tapos na ang pagrerenovate dito. Si Kuya Hunter naman ay tulog pa sa kwarto nito.

May usapan kami nila Cielo na manunuod kina Hugh. Um-oo naman ito sa akin. Mamayang hapon pa nga lang siya darating dahil may lakad pa sila ni Maha. Wala namang kaso iyo dahil mamaya pang 7 pm ang start nila. May ilang tutugtog pa bago ang Amaranth.

Pagka-park ko ng sasakyan ko'y nakita ko agad si Hugh. Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Morning, baby." He smiled at me.

"Morning." I smiled. "Ready na kayo?" Tanong ko sakanya. Inakbayan niya ako at ang kamay ko naman ay nasa bewang niya. He nodded. "Mamaya pa naman gabi 'yon, eh. Where do you want to go?" He asked me. Luminga-linga ako. Wala namang ibang mapuntahan dito, eh.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon