Chapter 40

139K 3.4K 952
                                    


--

"Mikael, busy ka ba this weekend? We could set another date naman, eh. Ako na bahala magpa-reserve sa restaurant or pwede namang sa Autumn's tayo," nakaupo ako sa couch habang nakatingin kay Mikael na may kung anong ginagawa sa laptop niya.

Kagabi noong dumating ako, nandito na siya. Sinubukan kong kausapin siya, kumatok ako sa pinto niya pero hindi niya ako pinagbuksan. I am still hoping he didn't saw what happened. Mali na nga na nakalimutan ko ang date namin, ano pa kung nakita niyang hinalikan ako ni Hugh?

Alam ko namang masama ang loob niya sa akin dahil sa date. Ayoko lang talagang madagdagan pa iyon.

"Mikael," tawag kong muli sakanya nang hindi niya ako pansinin. Today's class was suspended due to heavy rain. Kaya naman magkasama kami sa bahay na dalawa. Pina-cancel na din muna niya ang shoot today dahil baka mahirapan lang ang mga models na magpunta sa studio niya.

Kaninang paggising ko, nakita kong gising na siya. He prepared our food pero hindi niya ako kinakausap. I already said sorry for what happened. Hindi ko naman kasi talaga sinasadyang makalimutan ang date naming dalawa. Kahit naman ako nabigla sa sarili ko.

That was a first.

Kapag involve si Mikael, laging alam ko. Hindi pwedeng mawala sa isip ko. He was on the top of my priority. Kaya naman hindi na ako nagulat sa reaksyon ni Dale kahapon nang sabihin kong nakalimutan ko ang date naming dalawa ni Mikael.

"I'm busy," he said without even looking at me. Abala pa din siya sa kung anong ginagawa niya sa laptop niya.

"Weekend naman 'yon, eh. Babawi ako sa date natin, please?" lumapit pa ako sakanya para lang pilitin siya. Magpapatulong ako kina Maha at Cielo para maayos namin ang date namin ni Mikael. And I'll make sure I won't forget it this time.

"You don't have to," he said in a cold voice.

"But I want, too," pilit ko pa din. Ayoko ng ganito kami. Ayoko na may hindi kami pagkakaintindihan na dalawa. Nasisiraan ako ng isip sa pag-iisip ng paraan kung paano kami magiging okay. Ayokong nagagalit siya sa akin. Natatakot ako...

"Look, Mikaela. I'm really busy. I don't have time, okay?" he gave me a fleeting look. Seryoso din ang mukha niya.

"Kahit isang araw lang naman," napasimangot na din ako.

"I asked you before, walang nangyari," he shrugged.

"I didn't mean to forget it naman, Mikael. Nawala lang talaga sa isip ko, eh," sabi ko. Masyado akong na-busy sa thesis namin at nawala na sa isip ko ang date namin. I really should've put a note on my phone. Para hindi nawala sa isip ko. Sa dami ng nasa isip ko, hindi ko naman inexpect na 'yung date pa namin ang makakalimutan ko.

"Yeah, because you are so occupied."

"Yeah," I sighed. Sobrang occupied talaga ako dahil sa projects at requirements sa school. Matapos lang talaga 'tong thesis namin, babawi ako kay Mikael. May finals pang darating kaya alam kong mas magiging busy pa ako. Kaya as much as possible, gusto kong magspend ng oras kasama si Mikael kapag free time ko.

"Tss."

Tumingin ako sakanya. Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya habang nakatingin sa laptop niya. Nakakunot din ang noo nito at halos magpantay na ang kilay.

"Mikael," tawag kong muli sakanya.

"What?" he asked. Napakasungit talaga nito. Kahit kailan talaga.

"Dali na. One day lang. Please?" tanong ko ulit. Hindi naman siya mawawalan ng client kung hindi siya papasok ng isang araw. Plus, may ibang photographer naman kasi, wala namang problema.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon