Chapter 11

175K 4.6K 432
                                    


Like what Hugh said, tinotoo niya nga ang sinabing liligawan ako. Every morning, he's here. Kung minsan ay pinagluluto niya kami ng almusal at kung minsan ay naglalaro silang dalawa ni Theon kapag nandito siya.

"Buti may nabulag ka na naman, ano?" Ani Kuya Hunter na umiinom ng kape habang nakatingin din kay Hugh at Theon na naglalaro. I rolled my eyes. "Ano namang akala mo sa akin? Hindi ligawin?" Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.

He looked at me. Sinisipat ako.

"Ano ba! Ang pervert mo talaga!" Siniko ko ito pero hindi naman niya ininda.

"Hindi ka naman mukhang ligawin, eh." He squared his shoulders.

"Ang sama mo, alam mo 'yon?" Inirapan ko siya ng ilang ulit. Kung minsan talaga, hindi nakakatulong sa akin na narito si Kuya Hunter sa paligid ko. Wala na siyang ibang ginawa kundi ibully ako. Ang masakit, tinuturuan pa niya si Theon para inisin ako.

"No, seriously, you're pretty, Mikaela Michelle. There's no doubt about that, you're a Dela Cruz, for fuck's sake..." Hinawakan niya pa ang magkabilang balikat ko para bigyang emphasis ang sinabi. "Pero I never saw you being courted. Not even that photographer before. You're the one who courted him, remember?" he snorted.

Natigilan ako.

He's right.

Never ko pang naranasan maligawan like the usual.

'Yung may flowers. May chocolates... may dates.

Pero wala naman akong makapang pagsisisi na hindi ko naranasan kay Mikael 'yon. I actualy doesn't have any regrets. Mikael's the best boyfriend for me. I love him even if he's not perfect. Basta mahal ko lang siya. And I don't even need him to be perfect, he's just fine.

Lumingon sa direksyon ko si Hugh at kinindatan ako. Ngumiti nalang ako sakanya at nakatanggap naman ako ng katakot-takot na pang-aasar sa kuya ko.

"Diyan ka na nga." Tumayo na ako at iniwan itong nakaupo pa din at lumapit kay Theon at Hugh.

"Hi, little monster." Bati ko kay Theon na may hawak hawak na mga laruan. "Ta Noob!" He playfully said. Pinigilan ko ang sarili kong tiklupin sa lima si Theon. Nilingon ko naman si Kuya Hunter na tawa ng tawa kay Theon.

Nakangiti naman sa akin si Hugh. Iniiwas ko ang tingin sakanya.

I don't want this feeling.

Bakit sa tuwing ngingitian ako ni Hugh, may kung anong parang naghahabulan sa sikmura ko? Bakit bumibilis ang pagtibok ng puso ko?

Palihim ko muling sinulyapan si Hugh. He's still looking at me, smiling. Hindi ko napigilang pamulahan ng pisngi.

Gosh, Mikaela! Umayos ka nga!

Sa bahay na din namin nananghalian si Hugh. He of course, cooked. Favorite ko ang ginagawa niyang chicken afritada kasi madaming madaming patatas siyang nilalagay. Nagustuhan din naman nila Mommy ang luto niya.

May mga pinag-uusapan si Hugh at Kuya Hunter about sports pero hindi na ako nagtangkang sumagot o magtanong pa. Kapag hindi mo alam ang isang bagay, huwag kang mag-aalam-alaman para hindi ka nagmumukhang tanga.

Sa sports, nagkakasundo si Kuya Hunter at Hugh, pagdating naman sa shooting, silang dalawa ni Kuya Thunder. Ang alam ko, regular ang practice nila Kuya Thunder at ng mga kaibihan niya ng shooting with Kuya Daniel, of course. Marunong silang gumamit ng baril, eh. He actually owned one, I saw it once I entered his room and asked him for my allowance. While Kuya Hunter on the other hand have an eight dan in Judo, Karate, Taekwondo, Aikido and Iaido.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon