Chapter 27

173K 4.1K 749
                                    


My hands were shaking while we're walking towards Hugh. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero ganoon nalang ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman dapat ganito ang nararamdaman ko. Pero kasi, 'yung tingin ni Hugh sa akin at sa kamay ni Mikael na nasa bewang ko, hindi ko alam. Bigla akong pinanlamigan. Nang makita niya kami kanina'y tumayo siya at ipinasok sa bulsa ng suot na jacket ang kamay at tumingin sa aming dalawa ni Mikael.

Dale excused himself and scooted out and went to the kitchen again. Sigurado akong iba din ang nararamdaman ni Dale sa nangyayari.

Nakatingin lang din si Mikael kay Hugh. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay nagsusukatan sila ng tingin na dalawa.

Damn it! Akala ko sa mga telenovela lang may mga ganitong pangyayari. Na may dalawang lalaking magtatapatan para sa isang babae. Noong una silang nagkita, hindi ko na maipaliwanag ang kaba ko. Ano pa kaya ngayon?

Ugh, Mika. Mag-isip ka nga! Kasalanan mo naman lahat ng ito. Kung hindi ka ba naman kasi nagpadala sa damdamin mo, hindi sana ganito ngayon. Hindi ka sana nagkaproblema ngayon ng ganyan.

Huminga muna ako ng malalim na hininga bago ako nag-angat ng tingin kay Hugh. "What are you doing here?" I asked him. Lalakad sana ako pero naramdaman kong humigpit pa ang hawak ni Mikael sa bewang ko. Napatingin naman ako sakanya.

Seryoso pa din ang tingin ni Mikael kay Hugh. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang matinding iritasyon niya kay Hugh.

Alright, maybe because he called me 'Baby'. Pero unang beses pa lang silang nagkita, hindi ko na alam kung bakit pero matindi na ang disgusto ni Mikael kay Hugh, eh.

Was there a moment in the past that they actually knew each other? Kung meron naman, bakit hindi nasabi sa akin ni Hugh noong dinala ko siya sa hospital para dalawin si Mikael? Just like me, sa medical bracelet lang din siya ni Mikael nakatingin.

And yeah, kung tama ang pagkakaalala ko, medyo ilang nga si Hugh kay Mikael noon. At hindi ko alam kung bakit.

Obviously, I can't ask Mikael. Hindi niya maaalala. Pero si Hugh, I am pretty sure, may mapapala ako sa pagtatanong sakanya.

Napatingin ako kay Hugh. He looked at me, too. "Just paying you a visit." He smiled. "And I'm your tutor, remember?" Paalala niya sa akin.

I mentally rolled my eyes. Minsan talaga kapag umiiwas ka sa mga tanong, tsaka sila dadagsa sa'yo. When it rains, it pours. It fùcking pours!

Bumaba naman ang tingin ni Mikael sa akin. Asking what's happening, I guess.

I sighed deeply. Kinagat ko din ang labi ko bago ako tumingin kay Hugh. "Uh... kanina kasi noong nagpunta ako sa admin, they said they'll get me a tutor for those lessons I have missed and--"

"I volunteered." Putol sa akin ni Hugh. "I'll help her." He shrugged.

I exasperatedly turned my head to face him. What the hell does he want? Naiinis pa din ako sakanya dahil sa ginawa niya kanina and I'm trying to be nice kaya he should stop being an ass.

"Mikael, I..."

"It's okay." He looked down at me again. "You're just going to study. Right? You and your friend." Hindi ko alam kung ako lang ba o binigyang diin niya ang salitang 'friend' bago tumingin kay Hugh.

"I'll be a good boyfriend and I'll just watch my girlfriend study with her friend."

Again, emphasizing the word friend. Napailing nalang ako. He smiled at me a little.

Nagulat ako nang hapitin niya ako. Naramdaman ko din ang labi niya sa leeg ko. "He should behave, Mikaela. And you'll explain everything to me later."

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon