Chapter 34

172K 3.9K 944
                                    

Hanggang 70 chapters 'to. Kapit lang. Lol.

--

"Earth to Mikaela Dela Cruz..."

Napalingon ako nang magsalita si Cielo sa tabi ko. Did she mentioned my name? May sinasabi ba ito?

"Huh? What was that?" I asked her. She rolled her eyes and sipped her coffee. "Saan na naman ba nakarating ang imaginations mo? Wala ka na naman sa sarili mo..." tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Saan pa, eh di sa abs ni Kerko," natatawang sabi ni Maha sa akin. Napailing nalang ako.

No, I wasn't thinking about his abs or his chest pr any part pf his body. I was thinking about what he said. The accident we had wasn't really an accident.

Someone tried to kill us. Someone tried to kill him. Someone did that on purpose.

But up until now, wala pa din akong maisip kung sinong gagawa 'non sa kanya. Kalaban nila sa negosyo? Bakit siya? Bakit hindi ang daddy niya? Not that I want his daddy dead, but it doesn't make any sense. Anong kasalanan ni Mikael?

And I'm so sure Lance has nothing to do with the accident. Kahit na nasasaktan na 'yon, alam kong hindi siya gagawa ng bagay na mas makakasakit sa akin. He won't harm Mikael in any way.

"Ano ba talagang problema mo, Mika?" Maha asked me while blowing her finger nails. Nagyaya kasi silang dalawa na lumabas kami kaya magkakasama kaming tatlo. I was too occupied these past few days kaya naman ni makasama ang mga kaibigan ko'y 'di ko na magawa.

I sighed. Nakatingin lang ako sa kuko kong nilalagyan ng black polish. Should I tell them? Pero kasi... Mikael said, the lesser ang nakakaalam, mas malalaman namin ang totoo.

But they're my best friends.

"Nag-away na naman ba kayo ni Kerko?" tanong ni Cielo sa akin. Napatingin ako sakanya bago umiling. "Hindi. We're actually okay..."

"Eh ano palang problema mo?" tanong ni Maha habang nakatingin sa yellow polish niya. Napailing nalang ako, ngiting-ngiti kasi si Maha habang nakatingin sa dilaw niyang kuko. Buti nalang talaga bumagay dito dahil maputi ito.

"Wala..." humugot ako ng malalim na hininga bago uminom sa juice na hawak ko.

I couldn't tell them what's happening. Pero ang hirap! I was an open book to them. Lahat kasi, sinasabi ko sakanila pero ngayon, wala naman akong ibang makausap tungkol dito.

"Alam mo sis, bawas-bawasan mo kaya ang pagsama kay Kerko. Mas lumuluwag ang turnilyo mo, eh. Ngitian ka lang kasi 'non, halos mamatay ka na sa kilig, eh... chill lang, aba..." Cielo said.

She likes Mikael for me, yes. Wala naman kasing problema si Cielo at Maha kay Mikael. Kahit anong gusto ko, susuportahan nila ako. Ganoon naman kami lagi, eh.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Inano ka ni Mikael?" tanong ko sakanya. She shrugged. "Wala naman... alam mo namang shipper ako ng 'til death do us part niyong pagmamahalan pero sis, kumalma ka naman... huwag mong ibigay lahat..."

Hindi ako sumagot.

Hindi naman kasi ako naiintindihan ni Cielo, eh. O ng kahit na sino pa.

Kapag nagmahal ka, pwede mo bang sabihin na, "Hanggang dito lang ang pagmamahal ko, magtitira ako para sa sarili ko, hindi na lalagpas sa limit na 'to." Of course not, when you're in love, wala kang pakialam sa limits. Basta nagmamahal ka. Inuuna mo lagi siya. At iniisip mo kung ano ang magpapasaya sakanya.

It's easier said than done. Ang daling magsabi na magtira ka para sa sarili mo pero kapag 'yung mahal mo na ang involved, hindi naman pwedeng 99% lang ang ibibigay mo, eh. It's always 100%.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon