Chapter 39

143K 3.4K 408
                                    


"Ai, what time's your dismissal?"

Napalingon ako kay Mikael nang magsalita ito. 7:30 am na at may klase pa ako ng 9 am kaya binibilisan ko ang pagkilos ko.

Mabilis kong itinali ang buhok ko bago sumagot sakanya. "Baka 7 pa ako umuwi. Magpupunta pa kasi ako sa library, eh. May ireresearch pa ako," sabi ko habang inilalagay naman sa bag ko ang phone ko at ang notes ko. He was preparing our breakfast. Medyo late na din kasi siyang nakatulog kagabi dahil sa pagtulong niya sa pagreresearch ko para sa term paper na pinapagawa ng prof ko.

May tatlo pa akong reaction papers na gagawin at meron pang isang story analysis.

Pakiramdam ko, papasa na akong kamag-anak ng panda sa tindi ng eyebags ko! Gosh, I badly needed a rest. Kaso hindi ko naman magawa dahil tambak na tambak ako sa gagawin. I swear after this freaking semester, I'd pamper myself.

"Sunduin kita?" tanong niya ulit sa akin. Agad akong umiling sakanya. "Huwag na. May shoot ka pa, diba?" sagot ko. Ang alam ko kasi may shoot sila ngayon at hanggang 8 pm 'yon. Pero sure akong lalagpas na naman sila ng 8 pm gaya ng laging nangyayari. May mga models kasing maarte. Minsan late pa at may mga kailangan pang ayusin sa set.

"I can ditch that. I'd let Corey do the job," he shrugged. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"No, ikaw gumawa 'non, okay? I'll be fine..." ngumiti ako sakanya ng tipid. "I really need to go, Mikael..." paalam ko sakanya bago ko kinuha ang bag ko at isinukbit ito sa balikat ko.

Kumunot ang noo niya sa akin. "Hindi ka pa kumakain," ani Mikael.

I smiled sweetly. Kung kakain pa kasi ako ngayon, malamang malate na ako ng sobra. Super terror pa naman ng prof ko kapag first class. Lagi nalang parang pasan ang daigdig! "I'll just take this one," kinuha ko ang sandwich na ginawa nito kanina bago ito nagluto ng breakfast namin. Lumapit ako sakanya at mabilis siyang hinalikan sa labi. "I love you, see you later, okay?" paalam ko bago ako nagmamadaling lumabas ng bahay bitbit ang bag ko at libro pati ang sandwich ni Mikael.

"Ai, don't forget our date tomorrow, okay?" narinig kong sabi niya nang sumunod siya sa akin sa may pinto.

"I won't. Kailan ba kita nakalimutan?" tanong ko sakanya bago ngumiti. "Ingat ka mamaya, ha?" paalala ko sakanya. Matapos niyang tumango, kinuha niya ang bag at libro ko at hinatid ako sa sasakyan ko. He smiled at me and kissed my forehead. "Take care," bulong niya sa akin. Tumango naman ako. "I love you," I mouthed. He smiled and mouthed "I love you, too," to me.

Kumakain ako habang nagmamaneho papuntang school para na din kahit papaano may energy ako. Sana wala 'yung prof namin sa first subject. Napakasipag naman kasing pumasok nung matandang babaeng 'yon. Palibhasa, wala atang asawa kaya walang pinagkakaabalahan sa buhay. Kaya lahat ng init ng ulo, sa amin ibinibuntong!

I was scanning my notes while driving, too. Buti nalang talaga, natulungan ako ni Mikael kagabi. I know he was tired, too. Pero tinulungan pa din niya ako para sabay kaming matulog. Nagising kasi siya ng bandang 2 am at nakita niyang gising pa akp kaya dinamayan na niya ako.

Mula nang nagsimula ang klase ko, halos hindi na kami nakakalabas ng madalas ni Mikael. Bukod kasi sa madami silang clients ngayon at sunod-sunod ang photo shoots niya, busy din ako sa school.

Akala ko pa man din, kapag graduating na, chill nalang. Parang hindi naman. Pakiramdam ko, mas nahahaggard ako.

Good thing was, Amaranth was there to cheer me up. Pare-pareho kasi kaming graduating kaya dama nila ang nararamdaman ko. Kaya kami talaga ang nagkakaintindihan. Hindi na din sila masyadong tumutugtog ngayon. Sabi nila, after finals nalang daw para hindi sila stressed.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon