Chapter 8

197K 4.5K 705
                                    

"Kayo na ba ni Hugh?" Mapanuring mata ni Cielo ang nakita ko nang nilingon ko siya nang marinig ko ang tanong niya. Nasa isang ice cream parlor kami ni Maha at Cielo habang hinihintay ang pagdating nila Hugh.

Wala naman kaming usapan ngayon ni Hugh na magkikita. Tinawagan lang niya ako at nagtanong kung nasaan ako. Sinabi kong nasa mall ako kasama ko ang mga kaibigan ko at nagsabi siya na huwag ako aalis dahil pupunta siya dito. 

Hindi natuloy ang date na inalok ni Hugh sa akin noon. I just don't feel like going out with someone else. 'Yung kaming dalawa lang. Pakiramdam ko kasi, pinagtataksilan ko si Mikael kahit hindi naman.

"No, Ciel. Hindi kami. Ano ka ba?" Tinitigan ko siya ng masama bago muling sumubo ng strawberry ice cream sa harap ko.

"Napapadalas na magkasama kayo." Komento ni Maha bago nagscoop sa chocolate ice cream niya. May nakareserba pang vanilla sa gilid niya. "Nung nakaraang inaaya ka namin ni Cielo, you said you're with them. Hindi na kami namilit kasi naniniwala kaming kapag maganda ka, pinagpapalit ka sa iba." Ngumisi si Maha sa akin.

Pinaikot ko naman ang mata ko. Where's the serious Maha I know? Simula nung nagbreak sila ng law student boyfriend nito noon, naging playful na siya while Cielo... she's still the same old sadist I know. Kaya siguro wala talagang tumatagal na lalaki diyan. Mapanakit. Kanina lang nung nakita niya ako, after hugging me, sinabunutan ako. I'm dodging them daw which is not true naman.

"I just found a new friend, okay? But that doesn't mean pinagpapalit ko kayo. You're not just my friend. You're my family." Ani ko sa dalawang kasama ko. Ngumiti naman si Maha sa akin. Si Cielo naman, nakita kong may nilingon sa likod ko.

"Your future boyfriend's coming..." Nilingon ko ito at nakita ko si Hugh kasama ang mga kaibigan niya.

"He's not my future boyfriend." Pinanlakihan ko ng mata si Cielo bago tumayo at lumapit kina Hugh.

"Hey." Ani ko.

"Mika!" Lalapit sana sa akin si Rui para yakapin ako nang hawakan ni Hugh ang braso niya at inilayo sa akin. Tinitigan niya din ito ng masama.

"Aray, Hugh. Kanina ka pa." Ani Rui dito.

Tinaasan ni Hugh ng isang kilay si Rui. Naka-black na longsleeve shirt si Hugh na itinupi hanggang siko, habang si Rui naman at si Clyde ay parehong naka-tee shirt. Si Fall naman, may suot na shirt pero nakajacket habang si Adrian, showing off some muscles sa suot nitong sando.

"Oo nga, Hugh. Kanina ka pa. Ayaw mo na nga kami isama e." Ani Adrian dito bago lumapit sa akin at inakbayan ako. "Hello, MikaMika." Ngumisi siya sa akin.

"Adrian." Yun lang ang sinabi ni Hugh habang hawak ako ni Adrian.

"Sapakin mo na kasi, Hugh." Natatawang sabi ni Clyde.

"Gago." Sumimangot si Adrian dito.

Nauna naman ng pumasok si Fall at umupo sa kaibayong upuan sa inuupuan nila Cielo at Maha.

"Halika, papakilala ko kayo sa friends ko." I smiled to them. Nauna na akong maglakad palapit sakanila.

"Cielo, Maha, this is the Amaranth. Si Clyde, si Adrian, si Rui and Fall. You know Hugh naman na so... ayon." I smiled to them.

"Hello." Bati ni Maha sa mga ito. Binati din sila ni Cielo.

"May magaganda ka palang kaibigan, Mika..." Ngumiti si Clyde sa dalawang babae.

"Clyde, tumigil tigil ka diyan no." Pinitik ko ang noo ni Clyde. Hinawakan ni Clyde ang kamay ko at hinila ako palapit.

"Ayaw mo bang may iba akong pinupuri, Mika?" Ani Clyde sa mababang boses.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon