Chapter 51

182K 4.5K 516
                                    

Simply remove the story from your library kung ayaw niyo na basahin. Just don't write comments na nakakawalang gana kasi hindi kayo nakakatulong. Hindi ko naman kayo pinilit in the first place. Salamat po. Godbless!

--

Hanggang ngayon, hindi pa din maalis sa isip ko 'yung ginawang paghalik sa akin ni Mikael, eh. Up until now, kahit ayoko, nararamdaman ko pa din 'yung labi niya sa akin. This is wrong. Mali, eh. Maling-mali!

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at tumitig sa kisame ng kwarto ko kung saan may mga glow in the dark stars na nakadikit. Mas pinadagdagan ni Kuya ang mga ito at maging sa pader ng kwarto ko'y may mga nakadikit na iba-iba ang disenyo.

Aware akong tanghali na pero madilim pa din sa kwarto ko dahil hindi ko pa binubuksan ang mga blinds dito. Halos hindi pa ako nakakatulog dahil sa nangyari kagabi.

He kissed me and I slapped him again.

Napatingin ako sa palad kong muling dumapo sa pisngi ni Mikael.

Nagiging bayolente na ba ako sakanya? Hindi ko na alam. It's just... ugh. I really don't know! Gusto niyang magkabalikan kami? Gusto niyang balikan ko siya?

Ganoon lang ba kadali ang lahat? No. Nahihirapan akong magtiwala ulit sakanya. Nahihirapan akong paniwalaan ang mga sinasabi niya. Natatakot akong sumugal ulit sakanya.

Mahal niya ako pero may kasama naman siyang ibang babae. Anong kalokohan 'yon? And that one's not Sophia for the record. Ibang babae 'yon.

Huminga ako ng malalim bago ko ipinikit ang mata ko. Kanina ko pa naririnig ang pagriring ng phone ko pero wala akong balak makipag-usap sa kahit na sino. Alam ko naman kung sino-sino ang tumatawag sa akin, eh.

Kagabi, matapos akong halikan ni Mikael, dumiretso na ako ng uwi sa amin. Ni wala nga akong pambayad sa taxi dahil nasa loob ng bar ang bag ko at tanging cellphone ko lang ang dala ko. Pinabayaran ko nalang kay Yaya Lourdes 'yung taxi kagabi nang makarating kami sa bahay. I texted Lance, Maha and Cielo after that. Wala pang 30 minutes akong nakakauwi, kumatok si Yaya sa kwarto ko para sabihing nandoon si Lance at hinahanap ako, pero sinabi ko na lang na pauwiin na niya ito dahil wala akong ganang lumabas ng kwarto ko. Wala akong ganang makipag-usap sa kahit na sino.

Alam kong nag-aalala si Lance kaya nagtext ako sakanya na okay lang ako at hindi siya dapat mag-alala. Na kakausapin ko din naman siya. Gusto ko lang talagang magpahinga.

"Bumalik nalang kaya akong States?" tanong ko sa sarili ko habang yakap-yakap ko ang unan ko. "Pero kapag ginawa ko 'yon, nagpakaduwag naman ako..." huminga ako ng malalim.

Alam ko naman na hindi magiging madali ang paglimot. Ang pag-momove on lalo na sa tagal ng relasyon namin ni Mikael. At wala pang tatlong buwan simula nang maghiwalay kami. Kaya hindi ko din minamadali ang lahat... pero kasi, paano naman ako makakamove on kung nandyan siya, sinasabing mahal ako?

Gusto kong maniwala.

Gusto ko ulit magtiwala.

Pero hindi ko magawa dahil sa takot ko. Hindi ko magawa kasi natatakot akong mauulit. Natatakot akong sa ikatlong pagkakataon, bibitawan niya ako kapag nakakapit ako sakanya. Natatakot akong maramdaman ulit na wala akong halaga sakanya.

I tried to shrug all the worries I had in my mind when I dialed Lance's number.

"Thank God, you finally called me!" he sighed in relief.

Napakunot naman ang noo ko. "Wala pang dalawang beses nagriring, nasagot mo na," sabi ko sakanya. "Nakaabang ka ba sa phone mo?" tanong ko. Tumayo na din ako at nagpunta sa banyo para maligo. Ayokong magkulong sa kwarto. Mauuwi lang ako sa pag-iisip. Mauuwi lang ako sa pag-iisip kay Mikael.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon